Advertisers

Advertisers

MGA PERYAHAN SA BUONG PANGASINAN,IPINAPASARA KAY GOV. GUICO

0 325

Advertisers

Lumakas ang panawagan sa lalawigan ng Pangasinan para ipasara ang mga nagkalat ng mga peryahang may sugal sa kanilang lugar.

Kasunod ito ng isa na namang disgrasyang naganap sa lungsod ng Urdaneta kung saan tumilapon mula sa isang Ferry Swing ang isang batang lalaki dahil sa umano’y kakulangan sa safety gears ng mga rides sa nasabing karnabal o peryahan.

Ang panawagang ito na direkta nang ipinararating ng mga concern citizens ng Pangasinan sa Kapitolyo at kay Governor Ramon “Guwapo” Guico III ay sanhi na rin ng mga disgrasya at kaguluhang malimit na nangyayari sa mga peryahang ito ng probinsiya.



Ang pinakahuling aksidente sa peryahanang naganap sa siyudad ng Urdaneta ay nakober pa sa GMA 7 ng programa ni Jessica Sojo na KMJS nito lamang lingo ng gabi.

Bukod sa sub standards na mga rides, regular din na sahog sa mga karnabal at peryahan ito na nagkalat sa lahat halos ng siyudad at bayan ng Pangasinan ang iligal na sugal gaya ng drop ball at color games na pawang may daya lahat at humahakot ng limpak-limpak na salapi sa mga residenteng nagugumon sa mga iligal na sugal na ito.

Kinondena rin ng mga Pangasinenses at ng simbahang Katoliko ang pagiging inutil ng Pangasinan PNP na pinamumunuan ni Provincial Director, Police Colonel Jeff Fanged, isang dati umanong opisyal ng PNP Integrity and Monitoring Group (IMEG) na pangunahing in-charged sa mga tinaguriang “KOTONG COPS.

Si Fanged ang sinsisi ng mga taga-Pangasinan sa proliferation ng iligal na sugal sa nasabing probinsiya.

Kinilala rin ng sources ang umano’y nagpapakilalang bagman ni Col. Fanged na si Sarhento Istantino na may alyas din Sgt. Guevarra na naka-base sa Urdaneta City.



Gamit ni Sarhento Istantino ang isang sibilyan na may aliases na Eugene, Romer, Joseph at Mariano na labas-masok umano sa PNP Pangasinan Headquarters.

Ang grupo umanong ito ni Sarhento Istantino at Eugene ang “protector” ng mga iligal na sugalan sa buong Pangasinan at regular na kumokolekta ng payola sa mga kilalang perya at gambling den operators gaya ni RENE IBASAN at ng grupo nito.

Bukod sa peryahang may sugal, open din ang online sabong, jueteng at iba pang sugal lupa.

Ayon sa pagmamayabang ni Sarhento Istantino, may go signal daw mula sa Camp Crame at sa DILG ang paglarga ng illegal gambling sa buong Pangasinan ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ukol dito si PD Jeff Fanged ngunit ayon sa ilang sources mula sa Pangasinan PNP at sa S2 unit ng nasabing provincial command, hindi umano nila magalaw ang mga iligal na sugalan ito dahil sa proteksyon umano ng isang mataas na opisyal ng Kapitolyo ng Pnagasinan.

Hindi direktang tinukoy kung si Governor Guwapo Guico nga ba ang pinapasaringan ng Pangasinan PNP sa paghuhugas umano nito ng kamay patungkol sa isyu ng iligal na sugalan sa nasabing probinsiya.

Wala ring reaksyon ang tanggapan ni chief PNP, General Rodolfo Azurin Jr. at DILG Sec. Benhur Abalos.

Napansin din po natin ang paglala ng presensiya ng iligal na sugal sa halos lahat ng rehiyon ng bansa na patunay na tila may GREEN LIGHT o go signal na talaga ang operasyon ng illegal gambling ngayong Christmas season.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com