Advertisers

Advertisers

Batang-bata pa si L.A.

0 493

Advertisers

“ Tatlong araw ako nag-labor kay Lewis Alfred pero nauwi rin sa caesarean section kasi nakapalupot na sa leeg niya ang umbilical cord,” wika ni Aling Luming.

“ Nakaapat na ospital kami noon upang masagip ang pangalawang baby naming mag-asawa, “sabi ni Mang Arthur.

“ Bale nang pinabinyagan namin ay naka-dextrose pa ang sanggol, “ eka nina Mr. and Mrs Tenorio, mga magulang ni L.A.,ang premyadong pointguard ng Barangay Ginebra at ilang ulit naging national player.



Yan ang kwento sa atin ng ama at ina ni L.A. Tenorio na nakasama natin sa isang linggong biyahe.

Ang 5’9 na basketbolista ay maliit pa lang ay nakitaan na ng sobrang hilig sa bola.

Tinayuan ng makeshift na goal ng tatay niya at tinuruan ng mga fundamental ng game.

Bagama’t orihinal na mga taga-Nasugbu, Batangas ay may tinirahan sila sa Baclaran sa Parañaque kaya nakapag-aral ng elementary sa Don Bosco-Makati kung saan siya nadiskubre ng mga scout ng mga malalaking eskwelahan.

Grabe rin daw disiplina ng kanilang unang anak na lalake. Yung mga pinsan niya habang may mga lakad o kasayahan ay siya naman nagprapraktis ng seryoso. Nagsakripisyo raw talaga ang ex-Red Cub para sa pangarap.



Walang naging bisyo Hindi nanigarilyo o umiinom. Inalaggan maiigi ang katawan.

Higit sa lahat sa muramg edad ay kabisado na ang pagrorosaryo at hindi nakakaligtaan magdasal sa Panginoong Maykapal.

Nagbunga naman mga pagsisikap. Kampeon ang 4.5 lbs lang nang isinilang pareho sa NCAA sa juniors team ng San Beda at gayon din sa UAAP seniors squad ng Ateneo.

Bagama’t 38 na años na ngayon ang tinagurian The Tinyente ay pwedeng-pwede pa sana sa Gilas sa 2023 World Cup lalo’ kulang tayo sa playmaker. Nguni’t minabuti niyang mag-giveway na sa mga baguhan na kumatawan sa bansa.

***

Mabuti pa ang Gilas kung minsan ay pinapalad pero ang buong Pilipinas puro malas.

Ang bansa inabuso noong nakaraang gobyerno tapos ang pumalit ay ganoon din. Naku baka masahol pa nga ang humalili.

Ang pambansang koponan naisahan ang Jordan sa sariling lupa nang pinadapa nila sa score na 74-66 nitong Biyernes.

Ang susunod na kalaban ay tinalo na natin noong Agosto sa SM MOA.
Purihin natin si Coach Chot Reyes sa panalo pati buong staff niya.
Special mention sa mga cager na sina Kai Sotto, CJ Perrez, Ray Parks Jr at Scottie Thompson.
***
Sino si Anthony Mc Clelland sa buhay ni LeBron James? Totoo ba na siya ang napabalitang biological father ni King James?