Advertisers
NAGPAKITANG – gilas si Mary Francine Padios tulad ng kanyang winning act noong Southeast Asian Games , dinomina niya ang 8th Women’s Martial Arts (WMA) Festival pencak silat Linggo sa Rizal Memorial Coliseum.
Ang 19-anyos SEA Games champion ay pinagyreynahan ang pencak silat Seni Tunggal singles category matapos umiskor ng 9.587 points upang saklitin ang unang gold medal ng palarong inorganisa ng Philippine Sports Commission.
Naipanalo ni Padios ang ginto matapos ang 3 attempts upang dominahin ang kanyang pet event kung saan ay nakasunglit siya ng bronze medal saPencak Silat World Championships sa Malacca, Malaysia kamakailan.
Ang anim na araw na kaganapan para sa women martial arts athletes ay suportado ng Pocari Sweat Otsuka Solar Philippines Inc.
“Hindi po sana ako maglalaro ngayon pero napanaginipan ko po ang papa ko at parang pinapaalalahan po ako sa responsibilidad ko ngayon, hindi lang sa bansa dahil ako na din ngayon ang tumatayong padre de pamilya,’’ sambit ng naluluhang si Padios, gold medalist noong nakaraang 31st SEAGames Vietnam.
Ang pambato ng Phil. Speed Warriors-Aklan, na si Cherry Mae Regalado- bronze medalist noong 2018 Asian Games, ay nakuntento sa silver sa kanyang 9.246 points habang bronze naman ang napagwagian ni Lorraine Verde ng Isat U KBD sa kanyang8.897 points. (Danny Simon)