Advertisers

Advertisers

Dapat din imbestigahan ang akusasyon ni Bantag kay Remulla

0 175

Advertisers

NAGSALITA narin ang suspendidong direktor ng Bureau of Corrections na si Gerald Bantag, ang itinuturong “utak” sa pagpaslang sa brodkaster na si Percy Lapid.

Sa kanyang video na inilabas sa SMNI News, ang TV station na pag-aari ni Pastor Quiboloy, maraming ibinunyag si Bantag laban kay Justice Secretary “Boying” Remulla.

Sabi ni Bantag, marijuana user si Remulla. Dapat na raw ito mag-resign sa gabinete ng Marcos Jr. administration dahil wala na itong kridibilidad, matapos mahuli sa iligal na droga (marijuana) ang anak nito.



Inakusahan din ni Bantag si Remulla na protektor ng drug lords! Aray ko!!!

Pero ang mga akusasyong ito ni Bantag ay dehins pinatulan ni Remulla.

Sabi ni Remulla, harapin nalang ni Bantag ang mga ikinasang kaso laban sa kanya.

Sa ganang atin, hindi dapat balewalain ang mga akusasyon ni Bantag kay Remulla. Dapat din itong himayin ng Kongreso. Dahil mukhang may katotohanan ang ilang akusasyon tulad ng isyu sa droga.

At dapat linisin din ni Remulla ang kanyang sarili. Magpa-drug test siya para patunayang hindi siya gumagamit ng kahit “damo”.



Remember: Ang anak ni Remulla ay nahuli ng PDEA at Customs sa isang controlled delivery ng “KUSH”, imported marijuana mula US, na nagkakahalaga ng mahigit P1 milyon. That’s a no bail case.

Natakpan lang ang isyung ito sa anak ni Remulla nang mangyari ang pagpatay sa kilalang hard-hitting radio commentator at tabloid newspaper columnist Percy Lapid noong Oktubre 3. Mismo!

***

Sa pagwawala ng Igorot na Bantag sa video, kungsaan pati si Pangulong Marcos, Jr. ay kanyang pinasaringan, tiyak na mapapadali ang paglilitis sa kanyang kaso. Malamang na magaya siya kay dating Senador Leila de Lima na idiniin ng Bilibid inmates sa kaso noong panahon ni ex-President Rody Duterte.

Si Duterte ang naglagay kay Bantag sa BuCor.

Sa ilalim ni Bantag, ang mga bilanggong testigo laban kay De Lima ay nagkandamatay nang magwidro ang mga ito sa pagtestigo laban kay De Lima.

Now, si Bantag naman ang mukhang ilalagak ni Remulla sa Bilibid. Araguy!!! Weder weder lang talaga ang kapangyarihan sa politika. Tsk! tsk!! tsk!!!

***

Isang concerned citizen ang tumawag sa akin mula sa Barangay 122, Tondo, Manila.

Aniya, talamak na naman ang iligal na droga (shabu at marijuana) sa kanilang barangay, sa may Pearl street corner Pacheco at Osmena sts, mas kilal sa tawag na “crossing”.

Marami na raw mga kabataan, menor de edad, ang naeengganyo magbenta at gumamit ng mga droga na ito. Hiling nila na matigil ito sa lalong madaling panahon bago pa madamay ang kanilang mga anak na nag-aaral.

Tinatawagan natin ang magiting at mahusay na hepe ng MPD Station 1 na si Colonel Jhun Ibay: Sir! Paki-walis ng mga basura sa naturang barangay. Aksyon!