Advertisers

Advertisers

Bumbero, 1 pa patay sa sunog

0 154

Advertisers

NASAWI ang 18-anyos na babae at isang fire volunteer habang tatlo katao ang sugatan sa sunog sa Mosqueda Compound, Admiral Village, Talon 3, Las Piñas City, Sabado ng hapon.

Nagsimula ang sunog 4:00 ng hapon sa isang bahay sa naturang compound at mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang kabahayan sa lugar.

Tinatayang 60 bahay ang nasunog.



Umakyat ang sunog sa ikalawang alarma at idineklarang fire out 6:00 ng gabi.

Tinatayang nasa P248,000 ang kabuuang halaga ng pinsalang dulot ng sunog.

Hindi na pinangalanan ang mga biktima.