Advertisers

Advertisers

Subpoena kay Bantag, iba pang sabit sa Lapid slay case inilabas

0 145

Advertisers

NAGLABAS na ang government prosecutors ng subpoenas sa mga natukoy na sangkot sa pagpatay kina Percival “Percy Lapid” Mabasa at sa bilanggo na si Jun Villamor.

Una sa listahan na padadadalhan ng supboena si suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerard Bantag.

Sa subpoena, kinakailangan na magsumite ng kanilang counter-affidavits si Bantag, gayundin ang iba pang isinabit sa dalawang kaso ng murder.



Paliwanag ni Sr. Assistant State Prosecutor Charlie Guhit, pagsisimula na ito ng preliminary investigation ng mga kaso.

Bukod kay Bantag, sabit din sa dalawang kaso sina BuCor Deputy Security Officer Ricardo Zulueta at ilang bilanggo na namumuno sa ibat-ibang grupo (gang) sa pambansang piitan.