Advertisers

Advertisers

‘YANG TINATAWAG NA FOURTH ESTATE

0 268

Advertisers

NAIS ko muna pong pasalamatan ang makikisig at matulunging opisyales ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pangunguna ni Secretary Erwin Tulfo at kanyang matatapat at maaasahang mga katuwang na sina Usec Jerico Francis Javier at Usec Niña Taduran, at mga staff nito sa tulong pinansyal na ipinagkaloob po ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan para sa aking pamangkin na may scoliosis.

Muli ang aking taos sa pusong pasasalamat mate/Sec. Erwin, Usec Jerico at Usec Niña, salute and more power!
***
Isa sa mahalagang haligi ng republika ay ang media (Fourth Estate), na ang tungkulin ay kumastigo sa kabulastugan, pag-abuso sa kapangyarihan ng nasa First Estate (executive), Second Estate (legislative) at Third Estate (judiciary).

Nakatutuwang sabihin na marami naman sa mga mamamahayag ang gumaganap ng tungkuling ito – ang hindi lamang magkaroon ng active role kontra sa smuggling activities, at iba pang katiwalian sa Bureau of Customs (BoC) at iba pang ahensya ng pamahalaan.



Tunay na maraming kasama sa pamamahayag ang itinuturing na kalugihan ang pagtangging maging kapartner ng mga korap at magnanakaw sa gobyerno.

Alam na alam ni Presidente Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang araw-araw na tukso ng pagkakamal ng salapi kung “makikisama sa kalakaran” ng mga korap at mandarambong sa lahat ng sangay ng pamahalaan.

Kabilang sa “tinutukso” siyempre ay ang nasa media, at masasabing marami sa mga kasama sa pamamahayag ang nakisama at “nadala ng tukso.”

Pero panahon na para ayusin ang landas na tinatahak.

Panahon na para tayo ay magbago!
***
Kungdi pa alam ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, ilang opisyal ng BoC ang ginagamit ang kanilang puwesto para magkamal ng salapi – at nakapagpapalusot dahil ang madalas na sinasabi ay “Alam na ni Commissioner ito.”



Ay ganun?… kaya ang ating paalaala sa makisig na komisyoner – please be extra careful sa mga taong nagpapanggap na kakampi mo pero ipinapahamak po kayo at inilulubog kayo sa kumunoy.

Sabi nga, ang paalaala ay gamot sa taong nakalilimot… o panggising sa mga taong gustong “makalimot,” hehehe.

Upsss, totoo ba ang nakarating sa kolum na ito na may ilan pa ring bigtime smugglers ang nakapagpaparating ng mga bulto-bultong kargamento provided walang misdeclaration?

Ano, may ganito bang istayl o salita lang ito, mga bossing.

Walang misdeclaration …. pero pwede ang undervaluation, ganun po ba?
***
Isa sa mga batas na labis na pinakikinabangan sa ngayon ay ang RA 10361 or Batas Kasambahay na kung saan itinaas ang sahod ng mga kasambahay (maid at houseboy) na talaga namang aping-api ang kalagayan, kumpara sa ibang obrero.

Isipin kung paano tayo magiging produktibo sa ating gawain kung walang kasambahay na nag-aasikaso sa ating mga bahay, sa ating mga anak at iba pang mahahalagang trabaho sa bahay?

Nagpapasalamat din tayo sa low cost housing program na para sa mga pulis at mga sundalo, pero paano ang problema sa housing, education at programa sa hanapbuhay sa milyon-milyong Pinoy?

Pero hanggang ngayon ang problema ng ating mga kababayang OFWs ay hindi masolusyonan ng ating gobyerno na sobrang malaki ang ambag na ipinadadala nilang dolyares kaya sa nakalipas na mahabang panahon ay nakusu-survive ang ating ekonomya.

Alam naman nina PBBM at DOLE Secretary Bienvenido ‘Benny’ Laguesma at Departnent of Migrant Workers Sec. Susan ‘Toots’ Ople ang mga problema ng OFWs.

Kaawa-awang Pinoy workers abroad!
***
Ano ba ang intensiyon ng Konstitusyon kaya nagkaroon tayo ng party-list representation?

Ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang “marginalized sector” na magkaroon ng boses sa Kongreso, at dahil nakita ng framers ng 1987 Constitution natin na nadodomina ng mayayaman, maiimpluwensiyang politiko at angkan ang politika sa bansa.

Ano ba ang marginalized sector sa paningin ng mga gumawa ng Konstitusyon?

Ito ay yung grupong mahihirap at inaapi at api-apihan, tulad ng mga magbubukid at magsasaka, mga tsuper, mga kasambahay, mga senior citizen at mga katulad na pangkat.

Hindi para sa mayayaman, sa mga multi-milyonaryo, lalong hindi sa mga sektor ng relihiyon ang party-list, kaya tigilan na ang kalokohan, ano po?

Suportado natin ang Comelec sa ginagawa nitong paglilinis, pero… wag namang maging kapritso at sapilitan ang pagtanggi sa mga nais maging rehistradong party-list.

‘Wag sanang maging kasangkapan ang Comelec para ito ay maging biktima ng kapritso “mapaghiganteng” mga opisyal ng poll body bunga ng pagbatikos sa ilang tiwali sa kanilang ahensiya.
***
Bakit hindi tumitino ang mga kriminal?

Kasi pag nakulong ay “magpapakabait” lamang at sa pamamagitan ng pera nila at impluwensiya, mabibigyan ng pardon.

Pero ang mga may edad na at matagal ng pinagsilbihan ang kanilang mga sentensya o may mga grabeng sakit, bakit hindi pa pinalalaya?

Nagtatanong lang naman.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.