Advertisers
NASAWI ang isang lola nang masunog ang isang residential area sa Ermita, Manila, Martes ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Imelda Memoria, 70 anyos.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), partikular na nilamon ng apoy ang dalawang palapag na bahay sa Teresa St. Barangay 661.
Nagsimula ang sunog 10:09 ng umaga at umabot ng ikatlong alarma. Idineklarang fire out 10:57 ng umaga.
Pansamantala namang naglabasan ang mga estudyante at faculty ng Adamson University na katabi lamang ng nasunog na kabahayan dahil sa makapal na usok.
Hindi naman nadamay ang kalapit na bahay maging ang nabanggit na universidad.
Inaaalam pa ang dahilan ng sunog at kung magkanong halaga ng ari-ariang natupok.
Nagdeklara naman ng suspensyon ng klase ang Adamson University. (Jocelyn Domenden)