Advertisers

Advertisers

Intel at confidential funds walang transparency

0 169

Advertisers

BAKIT kailangan pang itago sa intelligence at confidential funds ang bahagi ng hinihinging pondo para sa taon 2023 ng ilang ahensiya ng gobyerno, sa halip na i-itimize nila ito para malaman ng publiko kung saan mapupunta ang ibinabayad nating tax?

Ang intel at confidential funds ay walang transparency, hindi ipinaaalam sa publiko kung para saang proyekto ito. Hindi ito isinasapubliko ng Commission on Audit (CoA). Kasi confidential nga raw! Animal!

Ito ang problema sa ating gobyerno eh. Kung sa singilan ng tax ay mandatory ang ating pagbabayad or else kakasuhan ka. Pero sa paggastos nila sa ating mga ibinabayad na buwis, kanilang itinatago ang paggagastusan. Asan ang hustisya rito, Mr. President?



Hindi na dapat gayahin o kopyahin ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. ang ginawa ng nakaraang administrasyong Duterte na gumastos ng bilyon bilyong pondo sa intelligence at confidential funds. Resulta: Baon na baon sa utang (higit P13 trillion) ang Pilipinas sa loob at labas ng bansa. Pero hindi natin alam kung saan nilustay ang barko barkong kuwartang iyon! Mismo!

Itong mahigit P9 billion intelligence at confidential funds na nakalaan sa iba’t ibang departamento para sa taon 2023, dapat ipaliwanag ni PBBM kung para saan ito? Oo! Dapat malaman ng taxpayers kung para saang mga proyekto ito?

Ang Office of the Vice President, na ang tanging trabaho ay mag-antay sa masamang mangyari sa Presidente, ay humihirit ng P500 million CIF (confidential/intel funds); ang Department of Education ay P150 million; at ang Office of the Solicitor General ay P19.2 million! Ang mga departamentong ito ay walang mandato para maniktik laban sa kriminalidad o para sa seguridad ng bansa, hindi tulad ng Department of National Defense (DND), Philippine National Police (PNP), at Department of Justice (DoJ).

Ang OVP at DepEd ay parehong nasa mga kamay ni Sara Duterte-Carpio, anak ni ex-President Rody Duterte na siyang nagpauso ng CIF!

Gusto ni PBBM na ituwid ang naging mali ng kanyang yumaong ama noon. Ito na ang kanyang pagkakataon, maging transparent sa paggastos sa taxpayers money! Isapubliko kung para saang mga proyekto ang multi-billion peso intel/confidential funds na yan. Just do it, Mr. President!



Palakpakan natin sina Senador Koko Pimentel, Sen. Risa Hontiveros at Sen. Raffy Tulfo sa pagbunyag sa mga intel/confidential funds ng mga naturang departamento. Mabuhay!

Kayo dyan, mga kongresista, tahimik yata kayo sa mga “sekretong” pondo ng mga ahensiya ng gobyerno? Magtrabaho naman kayo, House Speaker Martin Romualdez!

Ayyy!!! magpinsan nga pala sina PBBM at Speaker Romualdez. Alam na this!

***

Sinabi ni suspended Bureau of Correction Director General Gerald Bantag na susuko lamang siya sa mga awtoridad kapag naisyuhan ng arrest warrant kung mag-resign si Justice Secretary “Boying” Remulla.

Lulutuin lang daw kasi ni Remulla ang kaso laban sa kanya about Percy Lapid murder kung si Remulla ay nasa DoJ pa!

May katuwiran ang Igorot na Bantag. Subaybayan!