Advertisers
PATAY sa aksidente ang isang pulis nang sumalpok ang sinasakyan nitong motorsiklo sa mga nakahintong truck na una nang nagkabanggaan sa gitna ng National Highway sa Barangay Cawit, Batangas, Lunes ng gabi.
Kinilala ang nasawing pulis na si Police Staff Sargeant Mark Perez Cueto na nakatalaga sa San Nicolas Municipal Police Station.
Ayon sa salaysay sa mga imbestigador ng Taal Municipal Police Station ng dalawang driver na naunang nagkabanggaan na sina Felix Cosico at at George Dela Torre na mga nasa hustong gulang dahil sa madilim na lugar ng kalsada kaya nangyari ang aksidente sinubukan pa umano nilang bigyan ng babala ang biktima subali’t hindi huminto ang sinasakyan nitong Yamaha NMAX kaya nasalpok nito ang truck na minamaneho ni Dela Torre dahil sa lakas ng pagkakasalpok, nagtamo ng mga sugat at pinsala sa kanyang katawan ang pulis.
Naisugod pa sa Batangas Provincial Hospital sa Lemery, Batangas ang biktima para gamutin subali’t idineklarang Dead on Arrival na ni Dra. Divina Grace Castro-Landicho.
Pinag-aaralan na ngayon kung maaring kasuhan ang mga driver ng truck na sangkot sa aksidente na ikinasawi ng biktima.(Koi Laura)