Advertisers
Naharang ang 37 puslit na baboy na tangkang ipasok sa lungsod na ito mula Masbate sakay ng bangkang de-motor noong Linggo sa Cebu city.
Ayon kay Dr. Rose Vincoy, Cebu provincial veterinarian, lalo pang pinaigting ng pamahalaan panlalawigan ang pagpasok at paglabas ng baboy dahil sa kinakaharap na African Swine Fever (ASF) outbreak.
Naharang ng mga awtoridad ang mga baboy madaling-araw sa baybaying bahagi ng Barangay Bancasan, San Remigio na hindi naman karaniwan daungan ng mga bangkang de motor ang naturang lugar.
Sa ngayon, iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang may-ari ng baboy kung saan walang kaukulang dokumento o permiso ang bangkero bilang patunay na legal ang pagpasok ng mga baboy sa probinsya.
Kaagad naman ginawa ang euthanasia o mercy killing sa mga baboy at inilibing sa lugar kung saan nakumpiska para hindi na kumalat pa ang virus na posibleng magdulot ng sakit sa tao.
Kaugnay nito, nagpalabas na rin ng kautusan si Cebu Gov. Gwen Garcia, na bawal magpasok ng mga baboy mula sa Masbate at iba pang lugar sa probinsya.
“I do not want to see a sudden drop in the prices of pork in San Remigio because of these smuggled live hogs,” ani Garcia.
Dagdag pa ni Garcia na pinoprotektahan lamang nila ang P11-billion pork industry sa Cebu na nananatiling ASF-free.
Pinuri naman ni Garcia ng tanggapan ni Vincoy sa mabilis na aksyon sa nasabing insidente.