Advertisers

Advertisers

₱1.3m shabu, nasabat sa babaeng ‘tulak’

0 133

Advertisers

Nasamsam ang P1.3 milyong halaga ng shabu sa isang babae sa ikinasang buy-bust operation sa Pleasantville Subdivision, Barangay Ilayang Iyam sa Lucena City nitong Martes ng gabi.

Kinilala ni Lucena City Police chief Lt. Col. Reynaldo Reyes ang suspek na si Jonalyn Sagala, taga-Lucban Street, Purok Atin-atin, Barangay Marketview sa naturang lungsod.

Sa ulat, 10:30 ng gabi nang maaresto ng mga tauhan ng Povincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Provincial Intelligence Unit-Quezon, Philippine Drug Enforcement Agency-4A-Quezon, at Lucena Special Drug Enforcement Unit ang suspek.



Sa report, nasa 66.13 gramo ng illegal drugs ang nakumpiska na nagkakahalaga ng P1,349,052.
Naasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002).