Advertisers

Advertisers

Vlogger/rapper tiklo sa manhunt ops

0 168

Advertisers

Arestado sa manhunt operation ng pinagsanib na pwersa ng Pasay City Warrant Section (WS) at ng mga operatiba ng Intelligence Unit ng District Mobile Force Battalion-Southern Police District (DMFB-SPD) ang isang kilalang vlogger/rapper sa bisa ng warrant of arrest Lunes ng hapon (Nobyembre 13) sa Imus, Cavite.

Kinilala ni Pasay City police chief P/Col. Byron Tabernilla ang inarestong rapper/vlogger na si Daniel Miguel Migallen Naguit na nakilala rin bilang si Haring Manggi.

Ayon kay Tabernilla, ang pag-aresto kay Naguit bunsod sa bisa ng inilabas na warrant of arrest ni Pasay City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Edilwasif Tapsiri Badirri ng Branch 115 noong Disyembre 27, 2021.



Nahaharap si Naguit sa kasong paglabag sa Section 11 Article 2 ng RA 9165 na ang pag-iingat ng ipinagbabawal na gamot.

Base sa report na isinumite kay Tabernilla, matagumpay na naisagawa ang pagkakaaresto ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng Pasay WS at DMFB kay Naguit 4:30 ng hapon sa District Mall, Imus, Cavite.

Napag-alaman kay Tabernilla na nag-ugat ang pag-aresto kay Naguit nang mapanood ng mga operatiba ang kanyang vlog na nagbebenta ng bonnet sa social media na may tatak ng kanyang pangalan.

Makaraang mapanood ang vlog ni Naguit sa social media, agad na nagkasa ng operasyon ang mga operatiba kung saan nagpanggap na bibili ng bonnet kay Naguit ang isang pulis at nagkasundo na magkikita sila District Mall sa Imus, Cavite na nagresulta ng pagkakaaresto sa suspect.

Kasalukuyang nakapiit si Naguit sa custodial facility ng Pasay City Police Station (CPS).

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">