Advertisers

Advertisers

Napapabayaan ang public transport

0 205

Advertisers

NGAYONG nagbabalik na sa normal ang lahat, may isang napakamahalagang sangkap ang ekonomiya na lagi nalang napapabayaan, ang sektor ng pampublikong transportasyon.

Oo! Hindi nakakasabay ang kasalukuyang kalagayan ng ating pampublikong transportasyon sa dami ng commuters araw-araw kung kaya nai-stranded sila, sa kalsada man o sa pagtawid sa mga bagong hamon ng buhay under new normal.

Hindi naman lahat ay kayang mag-taxi, lalo na ang maraming ordinaryong mamamayan na minimum lang ang suweldo. Mayroon namang mga napipilitan magpalipat-lipat ng masasakyan – bus, dyip, tricycle o pedicab – makarating lang sa pinapasukang trabaho o paaralan. At mas napapamahal sila rito sa gastos sa pamasahe. Mismo!



Parang wala nang choice ang commuters. Mabuti nalang ay may motorcycle taxi na naghahatid sa mga pasahero sa maraming lugar sa iba’t ibang siyudad sa abot-kayang pamasahe.

Sa pilot study ng gobyerno, lumilitaw na ligtas ang mga pasahero sa pagsakay sa motorsiklo. Ang pag-aaral, na kinabibilangan ng Angkas, JoyRide, at Move It ay inaasahang makakatulong sa paglikha ng isang batas para tuluyan nang ma-legitimize at ma-regulate ang mga motorcycle ride-hailing services sa bansa.

Nakahain ngayon sa Kamara ang ilang panukala ukol dito sa ilalim ng tinatawag na “Motorcycle-for-Hire Act.” Subalit nangangamba ang totoong consumer groups tulad ng BK3 (Bantay Konsyumer, Kalsada, Kuryente) at CitizenWatch Philippines na maaaring maligwak pa ang pagsasabatas nito dahil narin sa nakatakdang congressional probe sa investment deal sa pagitan ng Grab at Move It.

Kahit pa pabor ang Department of Transportation (DoTr) at Philippine Competition Commission (PCC) sa Grab-Move It deal, itutuloy parin ng House Committee on Metro Manila Development ang pagdinig tungkol dito sa November 23. Pero ito ba ang tamang komite na dapat umupo rito? ‘Di ba dapat ang House Committee on Transportation?

Nakakatawa lang din na ginagatungan pa ang nasabing nakatakdang hearing ng ilang nagpapanggap na grupong pro-consumers pero nabuking na pinapaboran lang pala ang isang motorcycle ride-hailing company. Kapansin-pansin ang mga ginagawang hayagang pag-atake nina Atty. Ariel Inton ng Lawyers for Commuters Safety and Protection at ni Mr. Ronald Gustilo ng Digital Pinoys laban sa Grab at Move It habang todo-tanggol naman palagi ang dalawa sa Angkas. Animal!



Gusto ba nina Inton at Gustilo na mamonopolyo ng minamanok nilang kompanya ang buong motorcycle taxi service? Maging ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay matagal nang tutol dito dahil matibay na naniniwala ang ahensiya na ang publiko ang makikinabang kung may mga mapagpipiliang opsyon sa paggamit ng serbisyo.

Nananalig tayo na mas malilinawan pa tungkol sa isyu ang ating mga mambabatas na siyang magbibigay-daan para sa agaran nilang pagpapasa ng isang aktuwal na batas para sa motorcycle taxi sector kungsaan siguradong panalo tayong Filipino commuters. Mismo!

***

Naglalabasan ngayon ang mga naging katiwalian ni suspended BuCor Director General Gerald Bantag, ang umano’y mastermind sa pagpaslang sa brodkaster na si Percy Lapid noong Oktubre 3 ng taon.

Sa patuloy na pag-iimbestiga ng pumalit kay Bantag na si BuCor OIC Gregorio Catapang, retired AFP Chief, nabunyag ang mga kalokohang ginawa ni Bantag sa National Bilibid Prison tulad ng pagkaroon ng rancho, pag-gawa ng tunnel, tindahan ng mga alak, paupahang mga kubol, etc…

Sa mga kasong ito, malabo nang makabalik sa kapangyarihan si Bantag. ‘Pag minalas-malas pa, magiging laman siya ng Maximum Compound. Araguy!!!