Advertisers

Advertisers

Yamashita treasure ang hinuhukay ni Bantag sa Bilibid – Remulla

0 187

Advertisers

IBINUNYAG ni Justice Secretary “Boying” Remulla na hindi swimming pool, kundi “Yamashita Treasure” ang hinihukay ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag sa New Bilibid Prison.

Sinabi ni Remulla na binanggit sa kanya noon ni Bantag na ang nasiwalat na excavation project ay para sa paghahanap ng nawawalang kayamanan.

Nang malaman ito ng Kalihim, pinahinto niya ang operasyon kay Bantag para ‘di na masayang pa ang oras at pera ng gobyerno.



Muli namang iginiit ni dating Justice Secretary ngayo’y Solicitor General Menardo Guevarra na blangko siya sa ginawang excavation project sa loob ng NBP.

Si Guevarra ang Justice Secretary nang umpisahan ang paghuhukay sa naturang tunnel.

Sa isang pahayag, sinabi ni Guevarra na nalaman lang niya ang proyekto nang nalagdaan ang joint venture agreement sa pagitan ng BuCor at ng ATOM Corporation.

Napag-alaman kasing walang ginastos ang BuCor sa excavation project dahil sa naturang agreement pero kapalit ‘diumano nito ang isang lupa sa Nueva Ecija.

Ayon kay Guevarra, nang malaman niya ang nilalaman ng JVA, kaagad niyang pinadalhan ng memo si Bantag para ipahinto ang naturang proyekto.



Una nang dinepensahan ni Bantag ang excavation project, sinabing pinahukay ito para magsilbing scuba diving pool sa Bilibid. Gagamitin aniya ito para sa pagsasanay ng mga BuCor personnel.

Samantala, pag-aaralan ng DOJ ang posibleng pagsasampa ng kaso sa nabunyag na paghuhukay sa loob ng NBP.

Ayon kay Remulla, maituturing na illegal ang ginawang pagpasok ng kasunduan ni Bantag at ng kumpanyang ATOM na hindi sumasangguni sa DOJ at hindi dumaan sa tamang proseso.