Advertisers

Advertisers

Panahon na para patunayan ni PBBM ang pagwalis sa mga tiwali sa pamahalaan

0 278

Advertisers

ISA sa mga rason ng pagbalik ng Marcos sa Malakanyang ay ang linisin ang kanilang pangalan, ituwid kung ano man ang naging mali ng kanilang mga magulang nang una nilang pamunuan ang bansang Pilipinas.

Sa ikalimang buwan ng termino ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. ay marami nang naglalabasang katiwalian ng mga opisyal na panahon pa raw ng dinosaur sa puwesto.

Ang mga opisyal na ito, may mga rangkong Undersecretary at Assistant Secretary, ay mga notoryos parin sa pangungulimbat sa kanilang departamento. Kaya kahit sinong pangulo ang umupo ay tuloy ang katiwalian. Matigil man ay sandali lang at balik sa dating gawi ang mga animal!



Ang mungkahi sa ganito ni pareng Senador Raffy Tulfo ay isailalim sa LIFESTYLE CHECK ang mga may tahid nang opisyal sa bawat departamento. Katulad halimbawa sa Bureau of Customs (BoC), Bureau of Immigration (BI), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Bureau of Internal Revenue (BIR), Department of Agriculture (DA), National Irrigation Administration (NIA), National Printing Office, at iba pang kagawaran na matindi ang pandemya ng korapsyon.

Uulitin ko!!! dapat magbuo si PBBM ng task force na magsasagawa ng lifestyle check sa mga artista ng katiwalian sa bawat kagawaran. Seryosohin na niya ang paglilinis sa pamahalaan. Patunayan niya sa higit 31 milyong naghalal sa kanya na ang Marcos ay hindi talaga lahing magnanakaw kundi nagpapakulong ng mga tulisan sa pamahalaan.

Dapat isipin ni PBBM na maikli lang ang anim na taon para mapabango uli ang Marcos. Upang magawa niya ito, kailangan niyang magbuo ng task force na maglilinis sa bawat kagawaran ng pamahalaan. Simulan nya sa mga ahensiya o departamentong aking nabanggit sa itaas.

Madali lang naman malaman kung sino ang tulisan sa bawat kagawaran ng pamahalaan, silipin ang kanilang lifestyle! May batas naman ukol dito eh. That’s it!

***



Nagkakandautal na ang nagtatagong suspended Bureau of Correction (BuCor) Director General na si Gerald Bantag sa pagsasagot sa mga nabunyag niyang katiwalian sa National Bilibid Prison (NBP).

Tulad sa kanyang rancho sa loob ng NBP. Ang mga kabayo raw doon ay gamit nila panghabol sa mga bilanggo. Ang mga ahas ay gamit laban sa mga daga. Ang mga manok panabong ginagamit daw sa online sabong.

Ang nabunyag na malaking tunnel, may lalim na katumbas ng siyam na palapag ng gusali, ay gagawin daw nilang scuba diving swimming pool. Pero ang totoo, sabi ni Justice Secretary Boying Remulla, naghuhukay ng “Yamashita” treasure si Bantag. Hehehe…

Si Bantag ay iniimbestigahan sa Percy Lapid murder. Siya ang itinuturong mastermind sa kaso, matapos siyang banatan nang banatan ni Lapid sa programa nito sa radio DWBLat vlog tungkol sa biglang yaman nito nang maitalaga ni ex-President Rody Duterte sa BuCor.

Tingin ko, malabo nang makabalik sa anumang puwesto sa gobyerno si Bantag. Pag minalas pa siya, magiging laman siya ng Maximum Compound ng Bilibid. Ito ay kung susuko o maaresto siya. Sabi niya kasi, hindi siya pahuhuli ng buhay. Lalaban daw siya sa gobyerno ni Marcos, Jr.

Sa kaastigan na ito ni Bantag, kahit siguro maging pangulo sa “Inday” Sara Duterte, ‘di na sya kukunin. Pramis!