Advertisers
Ni WALLY PERALTA
UNA na ngang lumabas ang pangalan ng magaling na aktor na si Philip Salvador sa napipisil ni direk Darryl Yap na gumanap bilang si Ninoy Aquino sa part 2 ng trilogy movie niyang ‘Maid in Malacanang’, ang “Martyr o Murderer” (Mom) pero sa official na pagpapahayag ng direktor ng naturang movie ay ang pangalan na ng dating Mayor ng Maynila na si Isko Moreno na ang lalabas bilang si Ninoy.
Samu’t sari ang naging reaksyon ng mga netizen sa pinalabas na pahayag. Sa mga negatibong komento ay game itong sinagot ng magaling na direktor.
Aniya; “Galit na naman kayo, di pa kayo magpasalamat, ang gwapo ng gaganap.”
Ganunpaman ay nagawa pa ring magpasaring o magbiro ng direktor sa pag-uugnay ng kantang paboritong sayawin ni Isko, ‘Dying Inside to Hold You’ na ni remake ni Darren Espanto at ginamit ni Isko sa kanyang mga kampanya habang sumasayaw.
“Isko Moreno as Ninoy Aquino [yellow ribbon emoji]. The Filipino is worth dying… INSIDE.”
Sa ngayon ay nanatili pa rin ang pangalan ng ibang cast sa naunang movie na MIM na kasali pa rin sa MoM na tumatalakay sa buhay ng yumaong senador na si Sen. Ninoy Aquino.
***
HAPPY si Rhen Escano sa naging success ng kanyang kauna-unahang original serye na ginawa under Vivamax, ang “Secrets of a Nympho” na naging palaban siya sa kanyang karakter at sa mga maiinit na eksena sa naturang serye na nasa huling 3 na linggo na lang sa lahat ng Vivamax Apps.
The series is produced by Lino Cayetano’s Rein Entertainment at nakasama ni Rhen sina Ayanna Misola, Josef Elizalde, Gold Aceron, Jiad Arroyo, Andrea Garcia, Milana Ikemoto, Julia Victoria, Sheree Bautista and Jeric Raval.
Rhen plays Gab, an outcast in their university since she is poor scholar whereas most of the students come from wealthy families.
“It exposes corruption in high places while also delving into the situations a lot of young people today get into,” say ni Rhen.
Sinang-ayunan naman ni direk Lino ang pahayag ni Rhen sa pagsasabing kakaibang mga kabataan sa ngayon ang binigyan nila ng buhay sa SOAN.
“Hindi naman magiging makatotohanan ang series kung hindi natin ipakikita ang tunay na mga ginagawa nila, involving drugs and taking lots of risks. Eventually, the story becomes about two women, Gab and Hannah, who are brave enough to seek justice at labanan ang sistema,” pahayag ni direk Lino.