Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA mga nagsasabing nagbago na si JK Labajo from bad boy to good boy, ang sabi niya tungkol dito,”I guess, I’m still the same guy. The no-filtered guy, na hindi alam..hindi nag-iisip kung ano ang sasabihin minsan.”
Pero ano ang masasabi niya sa sinasabi nga ng iba na maangas/mayabang siya rati?
“Sa totoo lang, I was never affected naman with what other people say bad things about me.
“It’s something that you have to learn na, no what you do, they’re always people who don’t believe in you, who criticize you. .
“So, parang walang point. I mean, it doesnt matter to me. Like..parang hindi lang pumapasok sa tenga ko at all. So wala lang.”
Para kay JK, mas iniisip niya yung magagandang nasasabi sa kanya ng mga taong nakakatrabaho at nakakasalamuha niya.
“The opinions and the criticism that I cherished most, is from the people that I actually worked with.
“People who know me and people that I know.”
In fairness kay JK, noong nakilala namin siya at nakakasama ng ilang beses sa shooting ng isang pelikula na ginagawa na siya ang lead star, wala naman kaming napapansin na may kayabangan siya. In fact, approachable siya sa amin at sa production staff. Puring-puri nga siya ng mga ito sa husay makisama. Misunderstood lang si JK ng iba, sa totoo.
Samantala, sa darating na Pasko ay walang makakasamang mag-celebrate nito si JK. Loveless pa rin kasi hanggang ngayon ang magaling na singer.
Hindi pa siya nakakahanap ng bagong mamahalin after nilang maghiwalay ni Maureen Wroblewitz.
Pero hindi naman niya masasabi na member siya ng samahan ng mga malalamig ang Pasko. Katwiran niya,”Hindi naman kailangan ang jowa para uminit ‘yung Pasko. I’ll be with my family siyempre. So ‘yun ang tamang pampainit ng Pasko. So hindi ako kasama ru’n.”
***
ANG unang serye na ginawa ng singer-actor na si LA Santos sa ABS-CBN ay ang Ang Sa Yo Ay Akin, na pinagbidahan nina Iza Calzado at Jodi Sta. Maria.
Natutuwa si LA na may natutunan siya sa mga nakasama niya sa nasabing serye.
Sabi ni LA,”Actually, dahil po sa pandemic, du’n nag-start ang acting career ko.
“Du’n po ako sobrang forever grateful, eh, sa Ang Sa ‘Yo Ay Akin.
“Kasi du’n ko po nakasama sina tita Maricel (Soriano), si Miss Iza, Miss Jodi, si Sam (Milby). Parang dahil sa kanila, nakita ko po kung paano dapat ang ugali ng isang artista.
“Lalo na si Miss Iza, love, love lang po talaga si Miss Iza.
“Natutunan ko po sa lahat ng mga taong nakasama ko po, sa lahat ng mga nakahalubilo ko po, na dapat i-share yung love.”
Noong una, ang talagang pangarap lang ni LA ay makilala bilang isang singer. Na gaya rin ng gusto ng kanyang mommy Flor para sa kanya.
Ipinaliwanag ni LA kung bakit naisipan na rin niyang subukan ang pag-arte.
“Actually, nu’ng una nga po medyo nagdadalawang-isip pa ako sa acting.
“Pero nu’ng pumasok na ako sa acting, na-inlove po ako. Sobra!
“Na-inlove po ako, na parang napunta ako sa ibang mundo.Parang ganoon po.”
Pagkatapos ng Ang Sa Yo Ay Akin, inilagay naman ng ABS-CBN si LA sa Darna, na pinagbibidahan ni Jane de Leon.
Sobrang thankful din siya siyempre na napasama siya sa Darna. Kumusta naman ang samahan nila sa set ng Darna?
“Sobrang family po kami sa Darna,”sagot ni LA.
“‘Pag naiisip ko nga po ang Darna, parang naiiyak ako. “Kasi ang naa-appreciate ko kina Jane, Joshua (Garcia), Janella (Salvador), ‘yung parang ano po, parang nagtutulungan kami paangat.
“Wala kang mararamdaman na mas mataas si ganyan. Lalo na si Janella.”
Ang ibig sabihin ni LA sa sinabi niya na wala siyang nararamdamang mataas sa mga kasama niya sa Darna, ay kahit malalaking artista ang mga ito, ay walang may star complex sa mga ito.
Kahit nag-aartista na si LA, tuloy pa rin naman ang kanyang music career.