Advertisers
Ni BLESSIE K. CIRERA
DALAWANG beses naranasan ni Ms. Mel Tiangco na himatayin sa set ng drama anthology na Magpakailanman na pinalalabas tuwing Sabado ng gabi dahil sa matinding pagod sa taping.
Ito ang tsika ni Ms. Mel sa solo presscon niya ng 20 years anniversary ng #MPK sa Harolds Evotel nitong nakalipas na Biyernes ng tanghali.
Kuwento ni Tita Mel, kung aalalahanin anya niya ang nakalipas na 20 taon sa #MPK, marami na rin daw siyag pinagdaanang hirap sa programa na minsan ay umaabot ng 5 o 6 na episode ang kinukunan o nakakailang take.kaya halos lawit na umano ang kanyang dila sa hirap at pagod na nagresulta nga sa pagkahimatay niya.
Ang masasabi anya niyang sekreto sa tagumpay at pagtagal sa ere ng Magpakailanman ay ang katapatan ng show na pawang totoong kuwento ang isinasalaysay tuwing Sabado para sa mga manonood.
“Sa loob ng 20 years, may take home ang viewers ng #MPK,” sey ng host.
Inaalala rin ni Ms. Mel ang panahong pinagpahinga siya ng GMA7 sa programa dahil bawal lumabas ang mga senior citizen na gaya niya.
“Naalala ko 3 months sa 2020 at 2021 ako walang trabaho. Natuto ako magligpit at maglinis ng bahay. Pero ang pinaka-naging paborito ko ay ang panonood ng Netflix,” dagdag nio.
Hindi raw siya pinayagang pumasok ng GMA kahit wala naman siyang sakit. Sumunod lang daw sila sa kautusan ng IATF noon.
Nalungkot umano si Ms. Mel lalo na’t puro replay na kabanata ng #MPK ang ipinalalabas ng Kapuso Network dahil bawal anya siyang magtrabaho.
Kaya sobrang saya na raw niya nang finally ay pabalikin na ng GMA at nakapag-taping na sila ulit ng #MPK.
Nang matanong naman siya kung papayag ba siyang ipalabas ang talambuhay niya sa show, “hindi kaya ni Lilibeth Rasonable (GMA executive) ang presyo ko hahaha,” birong tugon ni Ms. Mel.
Ilang magagandang episodes ang hinanda ng Magpakailanman para sa month-long celebration nila na katatampukan ng mahuhusay na bituin gaya nina Ms. Gina Alajar, Sanya Lopez, Mylene Dizon at Bea Alonzo.