Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
MARAMING pinabilib si Yasmien Kurdi dahil kahit maari siyang gumamit ng koneksyon ay hindi niya ito ginawa.
Nangyari ito sa pagbili ni Yasmien ng ticket para sa concert ng sikat na South Korean girl group na BLACKPINK na magaganap dito sa Pilipinas.
Ang Born Pink concert ay sa March 25 at 26 sa Philippine Arena sa Bulacan.
Si Yasmien at ang anak niyang si Ayesha ay avid fans ng BLACKPINK kaya naman sinigurado nila na makakabili sila ng tickets para sa concert.
Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account ay ibinahagi ni Yasmien ang todong effort nila para pumila nang matagal para maka-avail ng concert tickets!
Bago ito ay kung anu-anong proseso ang pinagdaanan ni Yasmien pero bigo siya, tulad na lamang ng pre-selling online ng tickets pero lagi siyang nauubusan.
Kaya walang ibang naging choice ang Start-Up PH actress kundi ang magtiyagang pumila sa mall para lamang makabili ng tickets.
“Malayo lang pero keri na ,” caption ni Yasmien sa litrato ng kanilang tickets na sa wakas ay nakamit nila ni Ayesha!
Pinuri ng mga netizen ang journey ni Yasmien sa pamamagitan ng Twitter photos nila ni Ayesha para lamang sa concert tickets ng BLACKPINK.
Hinangaan ang Sparkle actress dahil tulad ng iba ay nagpakahirap siyang pumila at hindi nag-inarte at nag-feeling privileged.
***
TINANONG namin si Thea Tolentino kung ano ang pagkakapareho nina Thea Tolentino at Dahlia Chua bilang isang babae?
“Si Thea at Dahlia parehas na bredwinner ng family. So in that sense parehas kami.
“And parehas din naman kaming hardworking, mapagmahal sa family.
“Mas mabait lang si Dahlia,” at tumawa si Thea.
“Mabait din po ako.”
Pero mas palaban daw si Thea kaysa kay Dahlia.
“Yes and, palaban din naman si Dahlia,” sinabi pa rin ni Thea.
Bukod kay Thea ay bida rin bilang mga kapatid niyang Chua sisters sina Aiko Melendez bilang si Lily Chua, si Angel Guardian bilang si Iris Chua at si Beauty Gonzalez bilang si Violet Chua.