Advertisers

Advertisers

Angeli Khang takot maikumpara kay AJ Raval

0 236

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

MADALAS ang roles na natotoka sa Vivamax Queen na si Angeli Khang ay iyong mga papel na inaapi o inaabuso ng mga kalalakihan.
Kaya naman, isang breather na maituturing ang partisipasyon niya sa pelikulang Us X Her na ipino-portray niya ang character ng isang obsessed fan na nang-stalk ng kanyang iniidolong basketball player.
Sa kuwento, magkakaroon sila ng fling ng kanyang idolo subalit iiwan na lang siya nito sa ere pagkatapos na magparaos sa kanya.
Tulad ng isang babaeng nayurakan ang pagkatao, gagawa siya ng paraan para makaganti sa kanyang idolo sa anumang paraan.
Ayon kay Angeli, first time niya na gumanap sa ganitong klaseng papel ng isang palabang babae na ala-Fatal Attraction ni Glenn Close ang peg
Ani Angeli, pangarap daw talaga niya ang makaganap ng papel ng isang empowered woman tulad na lang ng role niya sa Us X Her.
“Felt more alive actually. This movie is different from the majority of movies I’ve done in the past, since, madalas, laging akong inaabuso o minsan ay sheltered. Ngayon ako naman iyong player dito, so somewhat nakakakaba at also exciting,” ani Angeli.
Hirit pa niya, bet din daw niya ang character o kontrabida roles na nakikita pa ang ibang dimension o range ng kanyang acting.
Flattered din siya na maging boses ng mga kababaihan sa pag-assert ng kanilang mga karapatan through the roles she portrays.
“I think, every woman naman wants to be on top and to be able to assert the rights of women. In my case, iyong film ang aking medium,” aniya.
Tungkol naman sa pagsasama nila ni AJ Raval na itinuturing na karibal niya sa titulong Vivamax Queen, noong una raw ay aminado siyang kinabahan.
Ito raw ay dahil natakot siya na maikumpara sila ng aktres.
Gayunpaman, dahil nakapagtrabaho na sila ni AJ sa isang pelikula, hindi na raw sila nagkailangan.
“Very comfortable ako to work with AJ. We help guide each other,” pagbabahagi niya.
Happy din siya dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na maka-work si Kiko Estrada kahit pa sabihing second choice lang ito sa role bilang star basketball player na sinasamba niya.
Ang ‘Us X Her’ na palabas na sa Vivamax simula sa Nobyembre 25 ay idinirek ni Jules Katanyag under the creative supervision of Irene Villamor at nagtatampok din kina Bob Jbelli, Kate Alejandrino, Shehyee at MJ Cayabyab.