Advertisers
PAGTATAWANAN lang ng fixers itong bagong hepe ng Land Transportation Office na si Assistant Secretary Jose Arturo “Jay” Tugade, anak ng former Transporation Secretary ng Duterte administration na si Arthur Tugade.
Bakit? Ang unang order niya sa lahat ng regional directors ay i-ban ang mga “fixer” sa LTO offices. Naks!
Babala pa niya: Kakasuhan ng administratibo at kriminal ang mga kawani ng ahensiya na nakikipagsabwatan sa mga fixer. Araguy!!!
Pero mabibigo lamang si Jay sa kanyang “order of the day” na ito. Dahil panahon pa ng denosaur ay nandiyan na yang mga pesteng fixer!
Marami nang nagdaang Asec sa ahensiya ang nagpasiklab na walisin ang pesteng fixers, pero natapos lang ang termino ng kanilang administrasyon ay nandiyan parin ang fixers, namamayagpag.
Kung seryoso si Asec. Jay na arestuhin, walisin ang fixers, madali lang ito gawin. Kasi nandiyan lang naman ang mga ito namumugad sa tanggapan ng mga department head, mga nag-aabang lang sa labas ng mga mabibiktima. Mismo!
Oo! Kahit saang LTO offices, kahit sa mga malalayong probinsiya, mayroong fixers. Yes!
Ang mga fixer ay hindi mamamayagpag kung walang kasabwat na opisyal sa loob. Actually, mga tao sila ng mga department head. Peks man!
Dyan nga lang sa labas ng compound ng LTO main office sa Quezon City, andaming naglipanang fixers, may mga lamesa pa. Fuck!
At kaya napipilitan ang mga may transaksyon sa LTO na lumapit sa fixer ay dahil kapag sila lang ang lalakad sa kailangang papel, aabutin sila ng “siyam-siyam” ika nga.
Kaya naman inaamag ang iyong papel sa lamesa ni “Chief” ay dahil naghihintay lang din ito ng “padulas”. May tao sila sa labas, ang fixer, na lalapitan mo para mapirmahan na ang kailangan mong dokumento. That’s it!
Ang ganitong raket ng mga department head sa LTO offices ay malabo nang mawala, masisira lang si Asec. Jay Tugade. Pagtatawanan lang siya sa memo niyang ito! Hehehe…
Speaking of fixers, marami rin nito sa Bureau of Immigration (BI) sa Intramuros, Manila.
Tulad sa LTO, ang mga fixer sa Immigration ay may mga lamesa rin sa labas ng gusali ng kagawaran. Oo! Doon sila sa mga coffe shop sa paligid ng gusali. Ang iba nasa likod ng building, pila-pila roon ang mga Indian at Chinese na nagpapaayos ng kanilang mga pilipit na mga dokumento! Hehehe…
Kaya nga madalas mag-away sa inuman ang mga kawani ng BI ay dahil sa hatian sa koleksyon mula sa kinita ng mga alaga nilang fixer. Boom!!!
***
Nire-require na ngayon ng Malakanyang ang NBI Clearance para sa mga gusto magtrabaho executive branch.
Ito ay matapos masilip na marami sa mga na-appoint sa gobyerno ay mayroong mga nakabinbin na kasong kriminal at administratibo sa korte.
Pati ang mga dating nagtrabaho sa gobyerno na gusto makabalik ay kailangan naring magsumite ito ng clearance mula sa Civil Service Commission (CSC) at sa Office of the Ombudsman.
Ito ang inanunsyo ni Execitive Secretary Lucas Bersamin, isang retiradong Chief Justice ng Korte Suprema.
Magandang punto ang naisip na ito ng Malakanyang. Talagang mapapa-SANA ALL tayo. Hehehe…
Unlike ng nakaraang administrasyon na kahit ex-convict at alien ay nakapagtrabaho sa executive branch. Yawa!