Advertisers

Advertisers

SABWATAN NI MARCOS AT MACAPAGAL SA KONSTITUSYON NG DIKTADURA

0 289

Advertisers

ISINALAYSAY ng aking kolum sa online isyu ng pahayagang ito noong Sabado na nagsilbing blueprint ng diktadura ni Ferdinand Marcos ang Saligang Batas ng 1973. Ito ang pumalit sana sa 1935 Konstitusyon na itinuturing na isang kolonyal na saligang batas sapagkat ginawa ito noong panahon ng kolonyalismo ng mga Amerikano. Ito rin ang saligang batas ng gobyernong Commonwealth na itinayo noong 1936 bilang paghahanda sa kasarinlan. Ngunit inagaw ni diktador Ferdinand Marcos ang Saligang Batas ng 1973.

Ginawa itong kasangkapan ng kanyang diktadura. Ginamit itong batayan upang tawagin ang kanyang diktadura na “constitutional authoritarianism,” o ang diktadura na may batayan na saligang batas. Kung wala ang Saligang Batas ng 1973, hindi namayagpag sa loob ang 13 taon ang diktadura ni Marcos. Sinipa si Marcos ng taong-bayan sa isang mapayapang himagsikan sa EDSA noong 1986. Nagwakas ang kanyang diktadura nang itapon ito ni Cory Aquino at palitan pansamantala ng “Freedom Constitution” na tumagal ang bisa ng ilang buwan hanggang tuluyang palitan ng 1987 Konstitusyon.

Ginawa ang 1973 Konstitusyon sa panahon na lubhang mahirap at magulo. Nang patapos na sa gawain ang Kumbensyon na naatasang gumawa ng bagong saligang batas kapalit ng 1935 Konstitusyon, idineklara ni Marcos ang batas militar upang “iligtas ang Republika” mula sa kuko ng Communist Party of the the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA). Kinuwestiyon ng maraming dalubhasa ang kanyang desisyon sapagkat hindi napakalakas ng CPP upang manggulo. Hindi sapat at makabago ang armas ng NPA.
\
Nang ideklara ni Marcos ang batas militar noong ika-21 ng Setyembre, 1972, hindi nagpulong ang mahigit 300 kasaping delegado ng Kumbensyon. Hindi natapos ng Kumbensyon ang panukalang saligang batas na papalit sa Konstitusyon ng 1935. Hindi malaman hanggang ngayon kung ano ang tunay na nangyari sa pagitan ng ika-23 ng Setyembre hanggang ika-28 ng Nobyembre, 1972. Hanggang ngayon, maraming haka-haka kung ano ang nangyari. Noong ika-29 ng Nobyembre, 1972, nagkita si Ferdinand Marcos at Diosdado Macapagal sa Malacanang at ibinigay umano ni Macapagal ang kopya ng panukalang saligang batas na hindi natapos at hindi nilagdaan ng mga kasaping delegado ng Kumbensyon. Si Macapagal ang pangulo ng Kumbensyon. Siya ang nangasiwa sa pagpapatakbo ng Kumbensyon. Si Macapagal ang dating pangulo ng bansa na tinalo ni Marcos sa halalang pampanguluhan noong 1965.



Maaaring ituring na ang kopya ng konstitusyon na isinumite ni Macapagal kay Marcos ay nagawa sa misteryoso at kataka-takang sitwasyon. Kinatawan nito ang hindi natapos na saligang batas na pinapanday ng mahigit 300 delegado sa Kumbensyon. Hindi ito inaprubahan at nilagdaan ng mga kasaping delegado. Hanggang ngayon, hindi malinaw kung paano natapos ng Kumbensyon ang kanyang trabaho at nagkaroon ng panukalang kopya ng saligang batas na isinumite kay Marcos. Lubhang nakakapagtaka ang paglipat at pagdala ng mga official record ng Kumbensyon mula sa Quezon City Hall sa isang lumang gusali ng National Development Company (NDC), isang korporasyon ng gobyerno, sa distrito ng Sta. Mesa sa Maynila.

Isang sunog na kataka-taka ang pinagmulan ang tumupok sa gusali ng NDC noong 1973. Kasama sa mga natupok ang nakaimbak na official record ng Kumbensyon. Inatasan ni Macapagal si Arturo Pacificador, isang matapat na galamay ni Marcos, na pangalagaan ang official record ng Kumbensyon. Mahalaga ito upang malamang kung ano talaga ang nangyari sa Kumbensyon. Dahil nasunog, nawalan ng official record ang Kumbensyon. Wala magamit na basehan ang mga dalubhasa at mag-aaral sa pagtalakay sa pag-imbulog na batas ng bansa. Si Pacificador ang itinuturong nasa likod sa pagpaslang sa kanyang karibal sa pulitika na si Evelio Javier Jr. noong 1986. Nagtago si Pacificador ng maraming taon kahit may desisyon ang korte na nagpatunay sa kanyang pagkakasangkot sa pagpaslang kay Javier. Noong lumantad, payat na payat si Pacificador at may sakit. Namatay si Pacificador sa loob ng kulungan.

Pinaniniwalaan na nagsabwatan si Marcos at Macapagal upang isingit sa panukalang saligang batas ang ilang hindi katanggap-tanggap na probisyon. Masasabi na pinanday ang panukalang saligang batas ng 1973 sa iskandalosong paraan. Maituturing na hinog sa pilit. Sinabi ni Nene Pimentel sa kanyang aklat na maaaring si Macapagal ang nagsingit ng mga iskandalosong probisyon. Ibinatay ni Nene Pimentel ang kanyang paniniwala sa nasaksihan niyang pamimilit umano ni Macapagal na lagdaan ng mga delegado ang panukalang saligang batas bago ibigay ang sipi kay Marcos. Sa kanyang aklat, sinabi ni Nene Pimentel na inamin ni Delegado Manuel Concordia na binayaran siya ng P20,000 upang imbentuhin ang minutes ng isang pulong na nagsingit ng mga probisyon na hindi katanggap tanggap.

Dalawa sa mga probisyon na hindi katanggap-tanggap ang nasa Article 25 of the Transitory Provisions. Ito ang Section 1: “There shall be an interim National Assembly which shall exist immediately upon the ratification of this Constitution and shall continue until the Members of the regular National Assembly shall have been elected and shall have assumed office following an election called for the purpose by the interim National Assembly. Except as otherwise provided in this Constitution, the interim National Assembly shall have the same powers and its Members shall have the same functions, responsibilities, rights and privileges, and disqualifications as the regular National Assembly and the Members thereof.”

Section 2: “The Members of the interim National Assembly shall be the incumbent President and Vice-President of the Philippines, those who served as President of the nineteen hundred and seventy-one Constitutional Convention, those Members of the Senate and the House of Representatives who shall express in writing to the Commission on Elections within thirty days after the ratification of this Constitution their option to serve therein, and those Delegates to the nineteen hundred and seventy-one Constitutional Convention who have opted to serve therein by voting affirmatively for this Article. They may take their oath of office before any officer authorized to administer oath and qualify thereto, after the ratification of this Constitution.”



Daing ng mga mag-aaral ng constitutional law na mahirap sa kanila na pag-aralan ang 1935 Konstitusyon sapagkat nasa wikang Kastila ang mga minutes ng mga pulong. Hindi pa laganap ang wikang Ingles noong panahon na iyon. Kailangan isalin sa Ingles ang mga minutes upang maunawaan ng mga mag-aaral sa batas ngayon. Hindi madali ang pagsasalin sa Ingles.

Idinaing din ng mga mag-aaral na mahirap pag-aralan ang 1973 Konstitusyon. Walang official records ang saligang batas. Hindi malaman kung paano umimbulog ang agham ng batas sa ilalim ng 1973 Konstitusyon. May giit na marapat managot si Marcos at Macapagal dahil sa kanilang sabwatan. May panukala na dapat sisihin si Marcos at Macapagal sa sabwatan. Ngunit may mga giit na niloko ni Marcos si Macapagal na kumagat sa patibong ni Marcos.

***

MGA PILING SALITA: “IISA ang tatak ng mga lider galing Mindanao. Matulis ang mga dila pero mapurol ang diwa. Matikas na ipakita ang kamangmangan.” – PL, netizen

“Tell Xi Jinping and the Chinese Communist Party to comply with the 2016 UNCLOS arbitral ruling, to abide by the norms of International Law, and to stop converting the South China Sea / West Philippine Sea into a huge communist lake, so to speak.” – Atty. Manuel Laserna Jr., mandirigma ng demokrasya