Advertisers

Advertisers

UAAP: Xiandi Chua ng DLSU nagpasiklab!

0 235

Advertisers

Rankings
Men’s
Ateneo – 95
DLSU – 85
UP – 62
UST – 22
Women’s
DLSU – 106
UP – 83
UST – 39
Ateneo – 36

PINATUNAYAN ni Xiandi Chua na sulit ang kanyang preparasyon sa pinakahihintay na debut nang dinala niya ang De La Salle University sa maagang liderato sa women’s division ng UAAP Season 85 Swimming Championships, Huwebes sa Teofilo Yldefonso Swimming Pool sa Malate, Manila.

Sa kabilang banda, ang reigning six-time men’s champion na Ateneo de Manila University ay sumandal sa kanilang rookies na sina Rafael Barreto at Philip Joaquin Santos para unahan ang pack pagkatapos ng unang araw sa karibal na La Salle.



Si Chua, na nanguna rin sa Philippine Swimming, Inc. Grand Prix noong nakaraang buwan, ay winasak ang umiiral na mga rekord ng UAAP sa women’s 100-meter freestyle at women’s 200-meter individual medley para isama ang dalawang gold para sa kanya at sa Lady Green Tankers at angkinin ang solidong 23 puntos na pangunguna sa 106 laban sa 83 University of the Philippines.

Winasak ng miyembro ng pambansang koponan ang bagong tatag na rekord ng UAAP ng teammate at kapwa internationalist na si Chloe Isleta sa 100m freestyle sa oras na 57.48, binura ang rekord ng huli na 58.43 na nilangoy noong preliminaries. Pagkatapos dinomina niya ang 200-m IM na may bagong marka ng UAAP na 2:20.33, na nauna sa 2:27.58 ng University of the Philippines swimmers na si Erin Castrillo at 2:28.73 ni Buico.

Nanatili ang Fighting Maroons sa pangalawang puwesto kung saan pinamunuan nina Shayne Lugay, Bela Magtibay, Gianina Manuel, at Angela Villamil ang panibagong marka ng UAAP sa women’s 4×50-meter medley relay na may tiyrmpong 2:04.45, 0.20 segundo bago ang kanilang oras ng mga nauna sa 2017.

Nasa ikatlo at ikaapat na puwesto ang UST at Ateneo, ayon sa pagkakasunod, na may 39 at 36 puntos.

Kinuha naman nina Barreto at Santos ang men’s 100-meter freestyle at 200-meter IM titles, ayon sa pagkakasunod, para pamunuan ang Blue Eagle sa bahagyang pangunguna na may 95 puntos. Nauna si Barreto kay Sacho Ilustre ng La Salle na may 52.11 laban sa 53.06 ng huli, habang bahagyang naungusan ni Santos sina Ted Laminta at Steven Ho, kapwa mula rin sa La Salle, na may 2:11.39 sa 2:11.47 ng huli at 2:11.86.



Gayunman, nanalo ang Green Tankers sa men’s 4×200-meter freestyle relay sa record-breaking fashion kasama sina Jaren Tan, Mikhail Ramones, Alexander Chu, at Reiniel Lagman na nagtakda ng bagong marka sa 8:03.47, binalahura ang dating record ng UP na 8.06.50 na pinanday noong 2016, para makasabay sa Ateneo sa 85 puntos. (Louis Pangilinan)