Advertisers
TODAS ang isang mataas na lider ng New People Army (NPA) at limang iba sa engkwentro sa pagitan ng militar at mga rebelde sa Sultan Kudarat .
Nakilala ang mga nasawing rebelde na sina Dennis Dolunan, NPA executive committee member at deputy secretary ng East Daguma Front ng Sub-Regional Command (SRC) Daguma, Far South Mindanao Region; asawa nito si Lailyn, medic; Sep Kasa; Jerry Kasa alias Kikil; at dalawa pang hindi pa nakikilala.
Ayon kay Major General Roy Galido, Commander ng Joint Task Force Central, 5:30 ng umaga nang maka-engkwentro ng mga elemento ng 7th Infantry Battalion ang may 10 rebelde sa Sitio Mudti, Barangay Chua, Bagumbayan, Sultan Kudarat.
Sa report, nagpapatrolya ang mga sundalo nang masabat ang mga rebelde. Tumagal ang bakbakan ng 30 minuto na nagresulta ng pagkasawi ng 6 rebelde, habang tumakas ang ibang rebelde. Walang iniulat na nasawi o nasugatan sa panig ng militar.
Nakakuha ang mga sundalo sa pinangyarihan ng engkwentro ng 1 AK47 rifle, 3 M16 rifle, mga bala, motorbike, mga personal na kagamitan at subversive documents. (Mark Obleada)