Advertisers
SINALAKAY ng pinagsanib na pwersa ng Tupi Municipal Police Station, Regional Intelligence Division 12, PNP PDEG, Regional Police Drug Enforcement Unit 12, South Cotabato Police Drug Enforcement Unit, South Cotabato Police Intelligence Unit, 1st South Cotabato Provincial Mobile Force Company, at 1205th Company ng Regional Mobile Force Batallion 12 ang plantasyon ng marijuana sa bulubunduking bahagi ng Sitio Benigno, Barangay Miasong, Tupi, South Cotabato, malapit sa boundary ng Davao Del Sur at Sarangani Province.
Sa nasabing operasyon, humigit kumulang sa 5,000 puno ng marijuana ang nabunot ng mga otoridad na nagkakahalaga ng P1 milyon.
Habang kinilala naman ang cultivator sa naturang plantasyon na si Jimbel Sinaya Dayangay, residente din sa lugar pero hindi naabutan sa operasyon.
Agad sinunog ng mga otoridad sa lugar ang karamihan sa mga nabunot, nagdala na lamang ng sample bilang ebidensya para sa isasagawang eksaminasyon.
Inihahanda na ng mga otoridad ang kasong isasampa laban kay Dayangay.