Advertisers

Advertisers

PSC, MILO magkasosyo sa 2022 Batang Pinoy

0 239

Advertisers

LUMAGDA ang Philippine Sports Commission (PSC) at Nestle Philippines Inc. – MILO ng isang Memorandum of Agreement (MOA) para sa Batang Pinoy 2022 National Championships kahapon, Nobyembre 28 sa Rizal Memorial Sports Complex, Maynila para sa kanilang layuning makatuklas ng sports champion.

Pinangunahan nina PSC Chairman Jose Emmanuel “Noli” M. Eala at Nestle Philippines Business Executive Officer – Beverages and Confectionery Veronica V. Cruz ang kani-kanilang organisasyon sa ginanap na MOA signing.

Gaganapin ang Batang Pinoy Games, isa sa mga centerpiece grassroots sports program ng PSC, sa Disyembre 17 hanggang 21 sa Laawigan ng Ilocos Sur.



“For Batang Pinoy to once again work with Nestle Philippines and Milo, is truly an honor, as well as a blessing for the Filipino youth. We hope that we can continue to interest Milo to be a strong partner for PSC, not only for Batang Pinoy but for our entire grassroots program,” Wika ni Eala sa signing ceremony.

Sa ilalim ng kasunduan, magpapatuloy ang partnership hanggang sa katapusan ng 2022.

Palalakasin at bubuhayin ang mga grassroots program ng PSC sa tulong ng MILO at iba pang mga kasosyo sa pribadong sector upang makalikha ng world class na mga atleta tulad ng Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz, Olympic Silver medalist na si Carlo Paalam, at mga World champion na sina Caloy Yulo at Phillip Delarmino, Bukod sa iba pa.

Dumalo rin sa MOA signing sina PSC Commissioner “Bong” Coo, PSC Accounting Chief Erik Jean Mayores, kasama sina Milo Corporate Affairs Vice President Joey Uy, Milo Corporate Affairs Atty. DG Anastacio, at Assistant Vice President para sa Milo Sports na si G. Carlo Sampan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">