Advertisers

Advertisers

UAAP Women’s Beach Volleyball… Tigresses angat sa iba!

0 153

Advertisers

NAISAMPA ng University of Santo Tomas ang tuktok ng talaan para sa kanilang ikawalong korona sa women’s nang idispatsa nina Gen Eslapor at reigning MVP Babylove Barbon sina Euri Eslapor at Alyssa Bertolano ng University of the Philippines, 21-16, 21-6, sa UAAP Season 85 beach volleyball tournament Linggo sa Sands SM By The Bay.

Kinubabaw ng Tigresses ang Fighting Maroons sa pambungad na set bago nanaig at sumakay sa 7-0 na kalamangan sa ikalawang set upang ilatag ang semifinal match.

Ang UST, na hindi pa lumalagapak sa set ngayong season at nanalo ng 36 na sunod-sunod na laban noong 2016, ay makakaharap ang National University para sa kampeonato sa Martes sa parehong venue sa Pasay.



Hinila ng rookie na si Honey Grace Cordero at Kly Orillaneda ang Bustillos-based school sa kanilang breakthrough Finals appearance sa pamamagitan ng 21-17, 21-14 pagrampa kina Justine Jazareno at Jolina Dela Cruz ng De La Salle sa kabilang semifinal match. Winalis din ng Lady Bulldogs ang Lady Spikers sa eliminations.

Magsasagupa ang UP at De La Salle sa ikatlong pwesto sa Martes.

Nauna rito, nalabanan ng Tigresses ang matigas na pader ng Lady Spikers sa pambungad na set para umiskor ng 23-21, 21-14 panalo at magrehistro ng 7-0 elimination round sweep.

Agad namang trinabaho ni Cordero at Orillaneda ng NU kontra kina Meriam Mungcal ng University of the East at third player na si Khrisia Lero, 21-6, 21-9, para pumangalawa sa 6-1 karta.

Nakuha ng UP ang unang Final Four stint mula pa noong 2018 nang ibagsak nina Eslapor at Bertolano sina Mary Grace Borromeo at Aliah Marce ng Adamson University, 21-7, 21-10, para sa 4-3 record.



Tinapos nina Gerzel Petallo at Melody Pons ng Far Eastern University ang season sa pamamagitan ng 21-11, 21-8 na paghagupit kina Pia Ildefonso at Ysa Nisperos ng Ateneo. Ang Lady Tamaraws, na pinasok si Stacey Lopez para kay Petallo sa ikalawang set kasabay ng pagpasok ni Jan Cane para sa Blue Eagles, ay napunta sa ikalimang puwesto na may 3-4 karta. (Louis Pangilinan)