Advertisers

Advertisers

Mag-ama patay sa salpok ng van

0 210

Advertisers

NASAWI ang 45-anyos na ama at 8- taon gulang na anak na babae nang salpukin ang sinasakyang motorsiklo ng kasalubong na van sa national highway sa Barangay Laiya, Ibabao, San Juan, Batangas, Linggo ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na si Joel Puzon at kanyang anak na menor de edad, mhga taga- Barangay Nagsaulay, San Juan.

Ayon sa San Juan Police, kapwa dead on the spot ang mag-ama dahil sa mga pinsalang tinamo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.



Lumalabas sa imbestigasyon na magkaangkas ang mag-ama sa motorsiklo nang salubungin ang linya ng mga ito ng Starex van kaya nagka-head on collision ang dalawang sasakyan 8:30 ng gabi.

Sa ulat, susunduin sana ng mag-ama ang misis nito na nagtatrabaho sa isang beach resort sa Laiya, San Juan dahil magdiriwang ng kanyang kaarawan ang bata nitong Lunes.

Kinustodiya ng mga pulis ng driver ng van na si Ben De los Reyes, residente ng Barangay Imelda, San Juan na nahaharap sa kasong ‘reckless imprudence resulting to multiple in homicide’.