Advertisers

Advertisers

ABC president, 2 tanod kulong sa pambubugbog ng 3 magsasaka sa barangay hall

0 139

Advertisers

INARESTO ang isang ABC (Association of Barangay Chairman) president at dalawang barangay tanod habang tinutugis ang dalawang iba pa nang ireklamo ng pambubugbog ng tatlong magsasaka na nasangkot sa alitan sa trapiko sa Cabuyao City, Laguna, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga dinakip na sina Brgy. Chairman Mauro Galang, ABC president sa Cabuyao City; at dalawang tanod na hindi pa tinukoy ang pangalan.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Ryan Capurihan, 40 anyos; Ryan Dean Capurihan, 22; at Carl Ryan Lapuz, 21.



Sa report ng Laguna Police, 6:45 ng gabi ng Biyernes nang mangyari ang insidente sa mismong barangay hall ng Barangay Baclaran, Cabuyao City.

Nabatid sa imbestigasyon, lulan ng tricycle ang mga biktima nang makagitgitan nila ang dalawang lalaki na sakay naman ng e-Bike at motorsiklo sanhi ng trapiko na nauwi sa bangayan at suntukan.

Nagtamo ng sugat sa mukha si Ryan na agad dumulog sa barangay para ireklamo ang mga nambugbog at nagkaroon ng mainitang komprontasyon. Dito bumaba mula sa ikalawang palapag ng barangay hall ang ABC president at pinagsusuntok ang mga nagrereklamo kungsaan nakibugbog narin ang iba pang barangay tanod dito.

Nahinto lamang ang komosyon nang umawat ang ilang bystanders sa lugar.

Isinugod ang mga biktima sa Saint James Hospital para lapatan ng lunas sa tinamong matitinding bugbog sa katawan.



Naghain ng reklamo si Carl Ryan laban sa mga naturang barangay official.