Advertisers

Advertisers

Julia hirap sa pag-budget ng gastusin sa bahay ngayong independent na; Mika mataba lang at ‘di nabuntis ni Nash, sey ng ermat

0 180

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

HALOS dalawang taon na rin nakabukod o nakahiwalay sa kanyang pamilya si Julia Barretto.
As in, naging independent ito in 2 years at nakatira na sa naipundar nitong bahay mula sa kanyang pagwo-work.
Sa pag amin ni Julia sa panayam ay marami raw siyang natutunan lalo na’t 2 years na siyang nakabukod at di kasama ang mga kapatid at inang si Marjorie Barretto.
Isa nga rito nang bitawan ng kanyang ina ang pagbabayad ng mga bills.
Si Julia na mismo ngayon ang nagbabayad ng lahat ng bills.
Ikinaloka lang nito ay lumalaki ang kanyang gastos kapag may sira, may leak sa kanyang bahay.
Kaya naman ikinagugulat nito ang laki minsan ng kanyang gastusin na isa- isa naman niyang nasosolusyunan.
Kungdi pa nga raw ito nagsolo ay di niya matututunan ang mga bagay lalo na ang mga gastusin sa bahay.
***
NAPAGHINALAANG buntis at kahit ang kaanak nito lalo na ang mudra ni Mika Dela Cruz ay itinanggi at pinabulaanang buntis ito.
Medyo nag-chubby lang at di raw ito nabuntis ng dyowang actor councilor ng Cavite na si Nash Aguas.
Napansin ang umano’y pagbubuntis ni Mika nang dumalo sa isang kasalan ang magdyowang Mika at Nash.
Napansin na tila mataba si Mika sa suot na gown kaya umugong ang tsikang preggy ang sissy ni Angelika Dela Cruz na bising-bisi as Barangay Chairwoman ng Longos, Malabon.
Kapwa tahimik naman ang celebrity couple tungkol sa isyu.
Ang tanong…nagbalik eskuwela na kaya ang kapatid ni Angelika?
Hmmmp!? Well, well, well…Yun na!