Advertisers

Advertisers

Rayver at Julie Anne nagsabihan ng ‘I love you’ sa concert

0 226

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SO, talagang may relasyon na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, at hindi lang sila basta magkaibigan.
Sa ginanap na concert nila noong Sabado sa New Port Performing Arts Theate, nag-i-love you sa isa’t isa ang dalawa na ikinakilig ng audience, lalo na ng kanilang mga tagahanga.
Sa kalagitnaan ng kanilang concert, doon sila nagsabihan ng ‘I love you’.
Si Rayver ang unang nagsabi ng I love you kay Julie Anne.
Sabi ni Rayver kay Julie Anne sa stage,”Naalala mo nung birthday mo, sinabi ko naman sa’yo kung anong nararamdaman ko. Gusto ko lang din iparinig sa kanila. Julie Anne San Jose, I love you. I love you so much.”
Naging speechless pansamantala si Julie nang marinig ang sinabing yun ni Rayver. Pero sinabi niya na,”Ang dami ng nagbago sa buhay ko simula nung dumating ka. Kaya gusto kong sabihin, I love you, too.”
Pagkarinig nang sinabing yun ni Julie Anne ay bigla siyang niyakap ni Rayver. Isang pagpapatunay na talagang sila na.
Pero hindi na kami nagulat, at kahit siguro ‘yung iba. 0bvious naman kasi na noon pa na halatang sila na, base sa kanilang mga kilos, di ba?
***
PAPA DUDUT NAGTAYO NG 2 BAGONG BUSINESS
ANG sikat at most awarded DJ ng Barangay LS 97.1 Forever na si Renzmark Jairuz Ricafrente a.k.a Papa Dudut ay isa ring businessman.
Ang dalawang business niya na Rangsiman Thai Massage at J25 Salon ay nadagdagan ng dalawa pa. Ito ay ang The Brewed Buddies at The Wings Haven, na matatagpuan sa 2nd level Skygarden, SM Cherry, Antipolo.
Noong Linggo, November 27, ginanap ang grand opening nito.
Ikinwento ni Papa Dudut kung bakit naisipan niyang magtayo ng The Brewed Buddies at The Wings Haven.
“Two months ago, kung hindi ako nagkakamali, may pumunta sa bahay ko, tapos pina-try nila ‘yung product sa akin. So sabi ko kay Kim, at saka si Lei, kasi sila ‘yung responsible para ipakilala sa akin ‘yung product.
“Sabi ko, ‘ang sarap nito, bakit hindi natin i-offer sa tao? Kasi nagnenegosyo kami, naapektuhan kami ng pandemic, gusto kong bumawi.
“So bakit hindi ko i-try na ipasubok sa tao ‘yung ganitong klase ng quality product that provided by The Brewed Buddies and The Wings Haven.
“So, after 2 months, or less than 2 months, sa tulong nila, dahil napakadali po nilang ka-transaction, si Miss Jacky, si Kim, sila po ang nag-concept nitong The Brewed Buddies and The Wings Haven.
“Natulungan nila kami, walang kahasle-hasle. Ang bilis ng pagbuo nitong The Brewed Buddies at The Wings Haven dito sa Antipolo,” aniya pa.
Maipagmamalaki ni Papa Dudut na affordable ang prices ng kanilang mga produkto sa The Brewed Buddies at The Wings Haven. Kumbaga, pang-masa ito, na kayang-kaya kahit ng mga estudyante.
Ang chicken wings sa The Wings Haven ay may 12 flavors. Ang mga ito ay ang soy garlic, hickory bbq, buffy buffalo, haven cheese, mushroom gravy, honey butter, garlic parmesan, spicy cheese, jack daniels, teriyaki,originala at haven inferno.
Natikman na namin ang mga ito and in fairness, sobrang sarap.
Aminado si Papa Dudut na medyo mahirap para sa kanya ang may maraming business na inaasikaso bukod pa nga sa pagiging DJ niya. Pero kayang-kaya naman daw niyang pagsabayin. Mahal naman daw kasi niya ang kanyang ginagawa.
Kahit busy sa kanyang mga business katuwang ang kanyang magandang maybahay na si Miss Jem, hindi pa rin iiwan ni Papa Dudut ang pagdi-DJ.
17 years old siya nang magsimulang maging isang DJ, kaya napamahal na sa kanya ang trabahong ito.
Samantala, aminado si Papa Dudut na dahil sa pagiging sikat niyang DJ ay maraming babae ang nagpaparamdam sa kanya. Pero dedma lang siya sa mga ito. Loyal kasi siya kay Miss Jem.