Advertisers

Advertisers

NCAA: Benilde pinatalsik ang San Beda, swak sa finals

0 133

Advertisers

SA loob ng dalawampung taong tagtuyot sa kampeonato, ang De La Salle-College of St, Benilde ay nakapasok na rin sa NCAA finals.

Nasilat ng Blazers ang San Beda University,62-61,sa kanilang NCAA Season 98 Final 4 showdown Martes sa FilOil EccoOil Centre para isalpak ang kanilang sarili sa championship series.

Napakagandang panalo para sa top-seeded CSB,na nangailangan lang ng isang panalo para ilaglag ang No.4 Red Lions sa contention.



Pinamunuan ni Miguel Oczon ang opensiba ng Blazers sa kinamadang 17 points at six rebounds,habang si James Pastoran bumakas ng 16 points at four boards,Most Valuable player winner Will Gozum nagtala ng double-double na 10 pointsat 11 rebounds.

Ito ang unang appearance ng CSB’s sa NCAA finals simula noong 2002 season, ng bitbitin ni Sunday Salvacion.

Jacob Cortez umiskor ng 13 points, habang si Kwekuteye may 11 points at nine rebounds para sa Red Lions.

Makakasagupa ng CSB ang mananalo sa ibang Final 4 match-up sa pagitan ng defending champion Colegio de San Juan de Letran at Lyceum of the Philippines University.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">