Advertisers

Advertisers

Rabiya inakusahang cheap, rumesbak sa basher

0 180

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

SANAY na rin halos si Rabiya Mateo sa mga bash na kanyang nababasa kahit noong nagsisimula palang siya bilang Miss Universe Philippines.
Mas tumindi ang bash kay Rabiya nang pasukin niya ang mundo ng showbiz. At kasalukuyang co-host din si Rabiya sa variety show na TikToClock with Pokwang and Kuya Kim Atienza.
May isang negang komento na nabasa si Rabiya na tila hindi nakayanan ng kanyang power ng pagtitimpi or letting go.
The netizen told Rabiya that she “looks cheap.”
Na hindi pinalagpas ni Rabiya at ginawan pa niya ng Tiktok video para sagutin lang ang netizen na malakas maka-asar.
“In a world full of bullies, be kind.
You know what, madam, miss or, hindi ko alam kung paano kita i-a-address. You know what, you can be the most expensive-looking person but if you’re mean or rude, or the way you think or talk to people is not right, I don’t think na I want to be somebody like you. Ako, I’m proud of myself. I’m proud kung paano ako manamit, kung paano ako magsalita, kung paano ako makipagkapwa tao.
“At baka isipin nyo po na shini-shame ko kayo because of your age, but hindi po ganon. But I hope, sa edad niyo pong ‘yan, marami na kayong natutunan sa buhay. And you should be a good example to your family, to your kids, to your apo kung meron ka na po. Dahil hindi ganyan dapat mag-act sa social media. Marami na po kayong pinagdaanan sa buhay, I’m sure of that. And sana you choose to be a good person na makaka-inspire ng ibang tao ‘di ba? Pero sige, bigay ko na lang po ‘yon sa inyo. If I look cheap, pasensya na po. Pero I will never be somebody like you,” say ni Rabiya.
Mukha ngang asar-talo si Rabiya, dahil 2 kataga lang ang binanggit ng basher, isang litanya naman ang kasagutan ni Rabiya. Feeling nasa Q&A portion pa rin ng MUP.
***
MY FATHER, MYSELF HALAW SA KUWENTO NI DIREK JOEL
ILANG araw pa lang pagkatapos lumabas ng trailer ng pelikulang “My Father, Myself” ni Direk Joel Lamangan at sinulat ng magaling at seksing screenwriter na si Quinn Carillo, na official entry ng Mentorque Entertainment at 3:16 Media Network sa parating na 2022 Metro Manila Film Festival, sa social media ay kaagad itong pinag-usapan ng mga netizen.
May magandang puna at may mga bashers na hndi mawawala sa socmed. Hindi naman pinalagpas ni Quinn ang mga bashers na nega at niresbakan niya ang mga ito sa pagsasabing, “Hindi ito fiction. May pinanggalingan ang istorya ng “My Father, Myself”. Oo, may shock value siya but it’s up to the viewing public kung ano ang magiging interpretasyon nila dito. Kailangan nilang panoorin yung buong istorya para malaman nila kung nakakasira ba ito, lalong lalo na sa LGBTQ + community. Hindi ko po ito sinulat para makasira o to attack any gay community. Rather its a story about a community, a family, a different kind of love story.”
Paano naman kaya binuo ni Quinn ang konsepto ng kakaibang family love story ang pelikula?
“Actually based po ang ‘My Father, Myself” sa istorya ni direk Joel, totoong tao po ito. Kilala na po yung real people behind the story. Kinuwento niya sa akin. He said to me that he wanted to make it into a film, ini-expand ko, ini-stretch ko lang at binigyan ng kulay ang different kind of characters,” say pa rin ni Quinn.