Advertisers

Advertisers

REKLAMO VS DECA HOMES-HAMPTON

0 293

Advertisers

Magandang araw po, nais ko lamang po ibahagi sa inyo ang nararanasan kong pangigipit ng Deca Homes sa amin.

Ako po ay isang unit owner ng Deca Homes Condo.

Gusto ko lamang po iparating sa nakakataas at may kinalaman sa mga ganitong klaseng problema.



Dahil parang hinaharass po kami ng Property Management Office ng Deca Homes-Hampton Imus. Dalawang linggo po nila kaming pinutulan ng kuryente dahil po sa hindi kami nakabayad ng maayos ng monthly amortization sa kadahilanang nagkaproblema po kami.

Nauunawaan ko po ang pag putol sa amin ng kuryente agad po akong nakipag usap sa kanila para maisettle ang arears namin sa aming unit, nung ako po ay nakipag usap kay Ms. Ana ng Property Management Office (PMO) nagulat na lang po ako sa sinabi sa akin na bukod sa 3buwan arears namin ay may utang pa kami dahil kulang daw po ang aming binabayad sa aming Monthly Amortization (MA). Ang amin pong binabayaran monthly ay mahigit 16K kada-buwan ngunit sa kanilang kwentasyon ay mahigit 19K, plus penalty po nung 3 buwan na arears namin, nang tanungin ko si Ana, ang sagot nya sa akin ay nag restructure kami since December 2021 after ng makiusap kami sa kanila nung time ng pandemic.

To make a long story short, nagkaproblema din po kami ng bayaran nung nagkapandemic since na nagkaroon po ng Bayanihan Act nakipag usap po kami sa kanila na kung maaari po ay yung 3months nung pandemic na di namin nabayaran ay ipatong na lamang sa aming monthly para lang maayos namin. Pero hindi po yun nangyari dahil ang gusto po nila ay maging 19K plus na ang bayaran namin hanggang sa matapos ang aming kontrata.

Kaya kami po ay nagbayad ng buo with penalty po na parang hindi inihonor ang Bayanihan Act ng gobyerno.

Kaya para po matapos,nagbayad na lang kami nang sa ganun ay 16K plus parin ang aming MA, nagbigay po sila ng listahan ng babayaran namin ngayong 2022 na same po sa kontrata namin.



Going back po dun sa isyu kung bakit ako nagtanong na naging 19K plus ang MA namin, sabi sa akin ni Ms. Ana ay mali daw po yung binabayaran namin since Jan. 2022 paano pong nagkamali? Eh sa kanila naman po galing yung listahan ng dapat naming bayaran. Ang ipinipilit po sa amin ng PMO ay may restructure na nangyari sa amin, kaya po ang tanong ko paano po nagkaroon ng restructure?Ganung nagbayad po kami ng arears with penalty. Hinahanap ko din po yung kontrata kung meron nga po kaming pinagkasunduan ng ganun pero wala po silang maipakita.

Kaya po ang ginawa ko ay dumeretso po ako ng main nila sa may Tondo at nakiusap po ako na babayaran ko yung aming arears kung may penalty man humihingi lang kami ng konsiderasyon na mabawasan, dahil amin naman pong iuupdate ang MA namin at mag aadvance pa kami ng isang buwan.

Kaso po ang nangyari sa amin ay ini-insist po nila na may restructure na nangyari sa amin, humingi po ulit ako ng kopya sa main baka nga po ako ay nagkamali at nagkaroon kami ng pirmahan sa bagong kontrata pero wala po silang ibinibigay. Nang kami ay nakipag usap sa main Deca si Ms. Maricar naman ang humarap sa amin at sinasabing ipinipilit ni Ms. Ana ng PMO Deca Hampton na may restructure na nangyari pero wala po silang maipakita.

Nakiusap po kami na baka puwede na ikabit muna ang kuryente namin dahil magdadalawang linggo na kaming walang kuryente sa aming unit pati ang pag aaral ng aking mga anak ay naapektuhan na sa nangyari. Napalipat kami ng mas malayo sa kanilang school para lang makakilos ng maayos.

Back to Deca po, minabuti ko pong hingiin ang address ng Legal nila kasi para lamang malaman namin kung saan kami nagkulang o nagkamali bakit parang ginigipit kami sa pamamagitan ng pagputol ng kuryente para bayaran namin ang gusto nila.

Nagpunta po kami sa may Mandaluyong sa address na binigay ni Ms. Maricar ng Deca Manila, inabutan po namin si sir Rico, dpo namin kung ano si sir Rico sa Deca Mandaluyong pero sya ang binigay sa amin para kausapin tungkol sa aming problema.

Base naman kay sir Rico kung meron man kaming restructure na sinasabi dapat alam namin at nagkaroon ng panibagong kontrata, again po tinawagan ni sir Rico yung Deca Manila na may hawak sa Hampton ipinaliwanag din po namin kay sir Rico na kami ay nagbabayad na at mag-aadvance pa para lang hindi kami putulan ng kuryente, kaya ibinalik ang aming kuryente temporarily hanggang Sabado sabi ni Ms. Maricar habang sinisettle namin ang problema.

Tuesday po kami galing ng Mandaluyong at medyo nakampante na kami dahil sa paliwanag ni sir Rico na dapat ay maayos na dahil nagbabayad naman kami mag aadvance pa.

Sinabihan kami na antayin namin ang tawag ng manager para maayos ang problema namin.

Awa po ng Diyos halos oras-oras kada araw nagpafollow up po kami dahil nga po hanggang Saturday lang ang binigay na temporary kuryente sa amin at puputulin ulit pag di na settle.

Inabot na po ng Biyernes ng gabi nagpafollow up po ako pero tatawagan. Hindi po namin maintindihan kung bakit kami ginaganito ng Deca Hampton.

Kaya po ako sumulat sa inyo para maiparating po sa kinauukulan kung tama po bang maranasan namin ang ganito?

Kaya po kami kumuha ng sariling bahay eh para magkaroon po ng peace of mind pero mukhang torture po at kalbaryo para sa amin ang nararanasan namin.

Kung kami po ay ayaw ng patirahin sa aming unit puwede naman po ibalik na lang sa amin ang nagastos at ibawas kung ano man ang ibawas kesa naman sa wala pong katahimikan para sa amin.

Pakiramdam po namin, ginigipit po kami ng PMO ng Deca- Hampton para sumunod kami sa presyong gusto nilang bayaran namin sa kanila. Sa pagkakaunawa ko lang po as far as the contract is concern, mukhang wala naman po kaming dapat bayaran ng sosobra sa kontrata.

Nitong nagdaang araw po ay nagpunta ulit kami sa opisina ng deca-hampton at sinabihan kaming dapat namin bayaran ang presyong gusto nila at dinagdagan nanaman ang penalty namin ngayong buwan dahil hindi pa daw po kami bayad.

Samantalang 1st week pa lang ng November ay nagsesettle na kami pero sana sa presyong alam namin na nasa kontrata at mag a-advance pa nga kami ng para sa December.

Hanggang ngayon po ay wala pa rin sagot sa amin ang management at malamang ay ibaon nila kami sa penalty at pilitin sa presyong gusto nila.

Salamat po!

Sana po makarating sa kinauukulan ang naranasan naming ito at matulungan kami sa aming nararanasang problema.

Salamat po…

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com