Advertisers

Advertisers

Sa mga illegal gambling Caloocan LGU aksiyon agad Rizal government bulag?

0 219

Advertisers

Nais ng Usapang HAUZ na purihin ang mga kumakatawan sa Pamahalaang Panglungsod ng Caloocan pati na rin siyempre ang Sangkapulisan na hindi na nagpatumpik tumpik pa sa mga masasabing maliliit na problema alam po ba nyo kung bakit?

Eto po iyon, medyo nakulele na ang tenga ng Caloocan LGU sa santambak na message maging personal na reklamo hinggil sa mga nagkalat na illegal vices sa kanilang Lungsod partikular na natin ang mga mini carnival with illegal gambling.

Kaya mga Kausapang Hauz agad na nag-utos ang LGU Caloocan sa PNP na agad ipasara ang mga peryahan sa mga lugar ng Malaria, Deparo Dulo, Harmony at Sta Quiteria na isang Alex ang may hawak ng pasugal.



Agad namang nakarating sa kaalaman ni PNP National Capital Regional Office (NCRPO) Director, Brig. General Jonnel Cabrillos ang ginawang pag-aksiyon ng Caloocan LGU kung kaya’t nagbilin ito sa lahat ng District Director na walisin ang lahat ng uri ng illegal sa Metro Manila kaya ayun mga Ka Usapang HAUZ nadale ang puwesto ni alias Jhun sa Muntinlupa at Paranaque na pawang nasa Brgy. Sto Nino, may request po RD Cabrillos paki na rin daw na bantayan ang pagbubukas ng mga pergalan sa Las Pinas huwag na ninyong payagan.

Kung ang Caloocan LGU ay super bilis sa pag-aksiyon sa mga hinaing hinggil sa pagkalat ng illegal gambling sa Lungsod ay tila kabaligtaran naman ang pinaiiral ng Rizal Provincial Government sa usaping illegal gambling oh baka naman pinauubaya nila ito sa PNP?

Nais malaman ng Usapang HAUZ kung bakit sa dami ng mga reklamo hinggil sa illegal gambling sa lalawigan ng Rizal ay tila walang pakialam ang mga namumuno rito, may nagtatanong kay Gobernor Ynarez kung hindi ba ito naguutos sa Sangkapulisan partikular kay P/Col. Dominic L. Baccay ang siyang Rizal PNP Director na ipatigil ang mga sugalan isama na rin ang sinasabing traditional Perya eh paano kung may sugalan?

Eto na lang para magkaroon naman ng idea ang Panlalawigang gobyerno ng Rizal at PNP sa mga nagkalat na ilegal na sugalan partikular ang Pergalan isa isahin natin paki basa Col. Baccay

Umpisahan natin ang Bayan ng Montalban, Sir Baccay, ang lugar sa River Side- Montalban at San Mateo- Montalban ay may Mini Carnival with pergalan isang alias Cris at Mr. Boy Life ang siyang may-ari, sa Morong din merong pinagkakaguluhan ang mga residente ruon sa tabi lang ng Sementeryo.



Isama na rin natin ang pergalan sa may Mahabang Parang Angono pero ang pinaka bongga ayon sa impormasyong nakarating sa Usapang HAUZ ay itong mga pergalan sa Poder ng bagong halal na Mayor Allan De- Leon ng Taytay.

Biruin nyo bang halos wala pang 50 meters away from munisipyo ay duon nakalagay ang Pergalan ni alias Ferly sa Tianggian kaya mga Ka Usapang HAUZ yung ibang mamimili ng kanilang pamaskong damit makikipagsapalarang itaya sa mga color games drop ball at iba pang illegal games.

Hindi lang ang pergalan ni alias Ferly ang namamayagpag sa bayan ni mayor De-Leon kundi sa luwang Munisipyo meron ding mini carnival tabi ng Palmera Restaurant sa panulukan ng J.P Rizal st., bukod pa ang sa Highway 2000.

Sa Lungsod naman ni Antipolo Mayor Junjun Ynarez, pambabastos sa Simbahan ng Antipolo ang hatid ng Pergalan habang sa Cogeo gate 2 Olalia Drive ay dinadayo ng mga estudyante ang puwesto ni alias Jess

P/Col. Baccay sir ayan po may guide na ang inyong tanggapan at para na rin sa kaalaman ni Gob. Ynarez ang inyong pag-aksiyon sa matagal ng suliranin ng mamamayan ng Rizal ay inaasahan sa madaling panahon na parang yung ginawa ng LGU Caloocan na mabilis Umaksiyon.

***

Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 0935-2916036