Advertisers

Advertisers

BALARA ACADEMY 2nd GRAND REUNION!

0 11,852

Advertisers

“High school life, oh, my high school life

Every memory, kay ganda; High school days, oh, my high school days are exciting, kay saya,” bahagi ng kanta ni MEGA SHARON CUNETA bilang pag-alaala sa pagiging high school student.

Tunay ngang napakasayang alalahanin ang mga nakalipas sa pagiging buhay-estudyante tulad na lamang sa muling pagpapangi-pangita ng mga nagsipagtapos sa BALARA ACADEMY na siya ko ring pinagtapusan., na nitong November 26, 2022 ay idinaos ang “2nd GRAND ALUMNI HOMECOMING na pinangasiwaan ng BATCH ’79 mula sa pakikipagkoordinasyon sa iba’t ibang BATCH ng mga nagsipagtapos at dinaluhan ito mula sa Batch ’72 hanggang ’92; kung saan, ang susunod na GRAND REUNION ay sa taong 2024 na ang HOST naman ay ang BATCH ’82.



Muling nagkita-kita ang mga dating magkakaklase na ngayon ay.mga.lolo’t lola na pero masisigla pa rin at kayang-kaya pang magsiindak sa saliw ng iba’t ibang tugtugin. Ang gayong mga okasyon ay napakahalaga para sa pagbuo ng magandang samahan.., hindi lamang sa kasayahan kundi ang magkakila-kilala ang lahat ng mga nagsipagtapos sa BALARA ACADEMY, na mayroon diyang tagumpay sa pagnenegosyo, ang Ilan ay nasa serbisyo sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na pupuwedeng magkatulung-tulungan o koneksiyon para sa isa’t isa at para na rin sa kanikanilang mga pamilya.

Ang mga naging punong-abala mula sa pakikipag-ugnayan sa Iba’t ibang batch na nagsipagtapos sa BALARA ACADEMY.., nakipagtransaksiyon sa GREAT EASTERN HOTEL na pinagdausan ng programa at sa paghahanap hanggang sa pagdaraos ng programa ay halos hindi nagkandaugaga ang BATCH ’79 na sila ang HOST ng 2nd HOMECOMING o REUNION ay pinasasalamatan ng lahat ng nagsidalo at dapat na mabigyan ng masigabong papuri sina JOSEPHINE BESA, DORIA SALVADOR, CLEOFE APOLONIO, VIRGILIO BALGOS, FE LUMEN CAGADAS, TERESITA DURAN, MINDA ESTRELLA, ROGELIO SILVANO, VIC DUBLIN, ROSALINDA NACINO, LERMA MONTILLANO, LUZ FERNANDEZ, ED BACAY at JUN CALPO.

Siyempre pa, sa ganiyang malakihang programa ay kalakip niyan ang malaking gastusin na pinagtulungtulungan o pinag-aambagan naman ng mga nagsipagtapos na napaangat nila ang kanilang kabuhayan.., at kahit nasa ibang bansa ay nagsipag-ambag para sa okasyon ng mga dating nakasama noong hayskul days.., na ang mga pinasasalamatan sa naging SUCCESSFULL ng BALARA ACADEMY 2nd GRAND REUNION ay ang mula sa mga kapuwa naming nagsipagtapos sa BALARA ACADEMY, OLD BALARA, QC ay sina Batch ’80 MARITESS MAGPUSAO MUSNI, GERRY MUSNI na nasa USA; MARIANO ALBAO, WILMA NACARIO ALILING, WINNIE PALMER NACARIO, WILLENOR NACARIO MOGADO, FELIMON NACARIO JR at WILLIARD NACARIO.., mula naman sa BATCH ’79 ay sina FE SOTTO, JUN LIZADA at sa BATCH ’91 na si CARMEN QUINTON na nakabase sa CANADA…, siyempre pa, pinasasalamatan din si DRA. GRACE MONTES BELTRAN na siyang DIRECTRESS ng BALARA ACADEMY.

***

LIBRENG DRIVERS LESSON NG LTO…



Sa lahat ng.mga nagnanais na matuto ng pagmamaneho ng sasakyan na kapos sa pera para pambayad sa mga PRIVATE DRIVING SCHOOLS ay may FREE DRIVERS LESSON nang isinasagawa ang LAND TRANSPORTATION OFFICE- NATIONAL CAPITAL REGION-WEST (LTO NCR-WEST).

Ang programang ito ay inilunsad ni LTO NCR-WEST DIRECTOR ROQUE “ROX” VERZOSA III bilang tulong sa mamamayang.nagnanais matutong magmaneho ng sasakyan na walang kakayanang magbayad sa mga driving school at pangunahing layunin nito ay ang matutunan ng mga driver ang tamang asal sa pagmamaneho sa ating mga kakalsadahan.

Sa totoo lang po ay maraming mga nagmamaneho ang kulang sa RESPETO sa lansangan o sadyang hindi alam ang ibig sabihin ng mga signages sa mga kalsada..,kasi po, may mga taong nagkaroon ng drivers license na hindi dumaan sa mga seminar patungkol sa mga batas sa kalsada dahil nagpalakad sa mga fixer.

Kaya naman,napapanahon ang inilunsad ni DIRECTOR VERZOSA para maging edukado ang lahat ng mga magiging driver at ang programang ito ay mula sa guidance ni TRANSPORTATION ASSISTANT SECRETARY at LTO CHIEF JOSE ARTURO “JAY ART” TUGADE.

Sa mga nagnanais matuto sa pagmamaneho ng sasakyan ay maaari po kayong magtungo sa tanggapan ng LTO NCR-WEST na nasa 20 G ARANETA AVE., BRGY. STO. DOMINGO, QUEZON CITY o kaya ay buksan ninyo ang kanilang fb account na https://www.facebook.com/LTONCROFFICIAL?mibextid=ZbWKwL

Ang DRIVERS EDUCATION CENTER (DEC) ng LTO NCR-WEST ay bukas sa mga STUDENTS PERMIT APPLICANTS na ayon kay DIRECTOR VERZOSA ay libreng mapakikinabangan ang 15-hout THEORETICAL DRIVING COURSE (TDC) base sa LTO Memorandum Circular No. 2019-2176.

Ipinunto naman ni OPERATIONS DIVISION CHIEF, MS. HANZLEY H. LIM na ang pagkakaroon ng driver’s license ay isang pribilehiyo lamang at ang mga estudyante ay inaashan na i-apply ng buong puso ang kaalaman at mga insights na makukuha mula sa kurso, lalo na sa Republic Act 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851para sa inyo pong mga panig.