Advertisers

Advertisers

Tulo-laway sa puesto sa PNP-IAS

0 571

Advertisers

TILA tahol ng mga lobo tuwing liwanag ng buwan ang ingay na ginagawa ng ilang detraktor sa loob ng Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP – IAS) upang palitan sa puwesto ang hepe na si Inspector General Alfegar Triambulo.

Lantaran nating tuligsain ang ginawa ng mga detraktor sa pangalan ng interes ng bayan.

Una, ang isang empleyada na si Genevieve Lipura ay nagsampa ng reklamo September 5, 2022, na ‘sexual harassment’ na nangyari umano Hulyo 14, 2021 – halos 14 buwan na ang nakalipas bago siya umaksyon, halos kasabay sa pag-iingay na palitan na ang hepe alinsunod sa Memoramdum Circular No. 1 (MC-1) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na ibakante ang pwesto ng co-terminous ni dating Presidente Duterte. Tama ba ‘yan? Hindi ba ang natural na gawin ng taong nainsulto at binabastos ay magreklamo kaagad? Sabagay, ibang klase siya. Sobrang nag-ingay si Ms. Lipura noong hindi siya nakalusot sa Personnel Selection Board sa kanyang inambisyon na promosyon.



Pangalawa, isang lawyer ng IAS na lantarang sumalungat sa mga direktiba ng Inspector General dahil nawalan na ng kapangyarihan sa pwesto ang nasabing opisyal sa bisa ng MC-1. Nasa Civil Service Commission (CSC) ang nasabing reklamo. Tama ba ‘yan? Sobra naman! Talo pa n’ya ang isang Pangulo sa pag-interpret at pagpapatupad sa batas. Habang wala pang resolusyon sa kanyang reklamo sa CSC, dapat sumunod siya sa legal orders ng hepe. Mismo!

Nagalit itong lawyer na ito noong inatasan siya na mag-report sa probinsya kungsaan doon nakatalaga ang kanyang item bilang isang empleyado ng gobyerno. Doon ka magtrabaho sa item na na-assign sa iyo Attorney, ‘wag magpakasawa sa kung kahit saan na gusto mo.

Ang pangatlo at pinakamatindi, itong si Atty Maria. Lynnberg Constantinopla. Sa sobrang gigil na makaupo bilang Inspector General ng IAS, tila nakipagkarera na nag-submit ng kanyang application letter noong July 5, 2022.

Si Atty. Constantinopla ay natanggal sa pwesto sa IAS noong September 6, 2022 dahil napatunayan nagkasala sa “Inefficiency and Incompetence in the Performance of Official Duties, Refusal to Perform Official Duty, Gross Insubordination, and Conduct to the Best Interest of the Service” na isinampa laban sa kanya bilang Administrative Case No. NIAS-NMP-20-052 noong 2019. Tama ba ‘yan?

Hindi ba dapat ang taga-disiplina ng police ay may malinis at maganda ring record? May mahaba pang litanya sa personal at opisyal na pagkakamali nitong si Atty. Constantinopla na dinhi magkasya sa kolum dito.



Ang tanong ngayon?: Sino ang may dalang Kompas nitong pag-iingay na parang ungol ng lobo at tahol ng asong ulol sa gabing maliwanag, sa ilalim ng bilog na buwan? Baka may alam dito ang dating Acting Inspector General ng IAS na si retired Gen. Leo Angelo Leuterio na pinalitan ni IG Triambulo? Balak din kasi niya na maging full pledged Inspector General ng IAS pero diskwalipikado dahil siya’y isang Uniformed Police Officer na labag din sa Charter ng PNP.

Mayroon lang tayong kaunting alam kung bakit kailangang tumindi ang ungol ng mga aso at lobo sa panahong maliwanag ang paligid sa ilalim ng bilog na buwan.

Una, maliwanag kasi na may nag-ambisyon na tulo-laway para hawakan ang IAS.

Pangalawa, maliwanag din na mabilis ngayon umaksyon sa mga kaso ang IAS. Zero Backlog sa case disposition, kumpara noong wala pa si IG Triambulo na may average lamang ng 2.1% ang case disposition. Ibig sabihin, sa bawat isang daan, mayrong 98 ang hindi na-aksyunan. Sana hindi pera ang dahilan?

Pangatlo, maliwanag din na mayroong kabuuan na 17,343 kaso na kinasangkutan ng mga tiwaling pulis ang hinatulan o niresolba ng IAS. Sigurado akong may naagrabyado dito, pwede ang nahatulan na pulis, o ang mga tamad na opisyal ng IAS na gustong patulogin at kokotungan ang mga kaso. Naku, kung pera-pera lang ang pag-usapan dito, kung mag-bigay ng suborno ang naasuntong pulis ng tag-P5,000 bawat isa, limpak-limpak na isangdaan milyong piso (P1,000,000.00) ang malilikom sa mga abusadong IAS dito.

Pang apat, naging world class ngayon ang sistema at serbisyo ng IAS, at kamakailan lang nakakuha ng ISO certification at hinangaan sa kanilang mga counterpart sa America at Britania dahil naging compliant sa Minnesota Protocol. Subrang inggit ang mga counterproductive na mga nanghihila pababa na mga personahe sa IAS dito.

Panglima, sobrang efficient ang database, at case Information Monitoring System sa IAS na loob lamang ng isang oras, pwede nang makuha, makakuha ang isang police ng IAS Certification ‘di katulad noong una na aabutin pa hanggang limang araw. Nawala na ang “kotong” ng mga tiwaling pulis na naghihingi ng “padulas” sa kapwa pulis para makakuha ng clearance. Susmaryosep!

Pang-anim, nasa high morale ngayon ang organisasyon ng IAS dahil nagkaroon na ng pangalan at dignidad bilang taga-pangasiwa ng Management at Disciplining Authority ng buong Police Organization. Updated na ang kanilang mga gamit, at napatayo ng kanilang matayog na gusali bilang simbulo ng kanilang katatagan. Masakit ito sa mata ng mga detraktor.

Marami pang litanya sa accomplishment at magandang performance ng IAS na maihahalintulad sa madilim at malamig na gabi na nagkaroon ng liwanag sa ilalim ng bilog at dilaw na buwan. Hindi bale na ang ingay at ungol sa mangilan-ilang aso at lobo, mag-ingat lang na ‘di matalsikan ng laway na tumutolo.

Welcome magbigay ng kanilang reaksyon ang mga personalidad na nabatikos ko sa isyung ito. Peace!