Advertisers

Advertisers

Paslit naglaro ng apoy, bus natupok

0 131

Advertisers

NATUPOK ng apoy ang isang bus nang maglaro ng lighter sa loob nito ang isang paslit sa Calasiao, Pangasinan.

Ayon sa ulat, tatlong paslit ang pumasok sa nakaparadang bus at makalipas ang ilang sandali ay biglang nagliyab ang sasakyan.

Kaagad namang napatay ng pamatay sunog ang apoy na tumagal ng sampong minuto.



Wala namang naitalang nasaktan o nasawi sa sunog, ngunit aabot sa P500,000 ang danyos.

Sa imbestigasyon ng pulisya, isa sa mga batang pumasok ang nagsindi ng apoy gamit ang lighter na dahilan para masunog ang bus.

Testigo rin dito ang dalawang bata na kasamahan nito.

Ipinatawag na ng pulisya ang mga magulang ng tatlong bata, samantala tutugunan din ng Municipal Social Welfare and Development Office ang counselling sa mga menor de edad na sangkot.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">