Advertisers
TAMA itong data ng inflation rate sa ASEAN countries na ang numero uno sa may pinakamataas na mga bilihin ay ang Pilipinas.
Napakatataas na talaga ng presyo ng mga bilihin sa palengke ngayon. Maging ang mga ordinaryong gulay na puwedeng itanim kahit sa paso ay napakamahal na!
Mantakin mo, mga pare’t mare, ang siling mahaba (green) ay P3.50 ang isa o 3 para sa P10.00. Ang kalamansi na napapabunga rin sa paso ay piso ang isang piraso. Ang sibuyas na pula, P15 ang isa. Grabe!!!
Sabi tuloy ng bilyonaryang Senador, Cynthia Villar: “I can leave without onion”. Hehehe…
Paging Department of Trade and Industry (DTI). Mag-ikot naman kayo sa mga palengke. Tanungin n’yo ang mga vendor kung bakit ganun na kamamahal ang mga tinda nilang gulay, gayung napakarami nito sa mga probinsiya!
Kinakalampag din natin ang Department of Agriculture na pinamumunuan mismo ni Pangulo “Bongbong” Marcos, Jr.: Anyare, Mr. President? Galaw galaw…
***
Sabi ni President BBM, buong mundo tumaas ang inflation rate. Mali! Sa Pilipinas lang po anag mataas, Sir!
Ayon sa data, sa ASEAN countries, ang Pilipinas ang may pinakamatas na inflation rate, 8%; samantalang sa ibang bansa ay hindi gumalaw – Indonesia (5.42%), Vietnam (4.37%), Singapore (5.1% to 5.5%), Malaysia (4% o 4.5%), Thailand (5.98%), Cambodia (4.9%).
Ang labis na ipinagtataka natin dito ay kung bakit pati ang mga gulay na puwedeng itanim at bumubunga kahit sa paso ay napakamamahal narin.
Pero ang mga magsasaka natin ay nagrereklamo na walang umaangkat sa kanilang mga ani. Nabubulok na nga lang daw ang kanilang mga produkto. Kung may umangkat man ay napakababa ang kuha sa kanila, pero napataas ‘pag ibinenta sa merkado.
Dapat tingnan ito ni PBBM. Tingin ko ay may kinalaman ito sa isyu ng importation. Gusto kasi ng mga opisyal sa agriculture ay mag-import nang mag-import dahil malaki ang komisyon nila. Sa local products kasi ay wala silang raket. Mismo!
Sabi nga ng isang trabahador sa DA, ang kanilang ahensiya ay isa nang Department of Importation. Boom!!!
***
May nag-post sa socmed ng larawan nina former President Rodrigo Duterte at Senador “Bato” Dela Rosa na may caption na wish nina Digong at Bato ng drug-free Christmas at crime-free New Year. Ngek!
Anim na taon sila sa puwesto, naglagak pa ng bilyon bilyong pisong pondo para sugpuin kuno ang mga iligal na droga sa Pilipinas. Pero ano ang nangyari? Wala! Hindi manlang natinag ang mga drug lord. Prinotektahan pa ang mga isinangkot sa droga na dabarkads ng kanilang pamilya. Yawa!
Sa isa pang post, larawan ng grupo ng mga gabinete kasama ni Digong. Mukhang nagpaplano na sila para sa sunod na eleksyon. Tapos na kasi ang palugit ni Digong na “6 months honeymoon” ng Marcos Jr administration.
That means, giyera na ito mula sa 2023? Abangan!