Advertisers

Advertisers

Butangera’t butangero!

0 237

Advertisers

Sa Ingles ang sabi ay birds of the same feathers flock together. Yun nga naman mga tao na iisang hilatsa ay nagsama-sama at nagdadamayan.

Yung mga mga matitino nagkakapit-bisig sa ikakabuti ng bayan. Yun naman mga butangero sabay-sabay sumusugod at nanununtok para sa pang sariling kapakanan.

Ganyan ang nangyari kina Inday Sara at John Amores.



Yung basketbolista na ginawang boxing ring ang hardcourt ay nakatanggap ng letter of encouragement mula sa DepEd Secretary na inupakan ang isang sheriff noon sa Davao sa harap ng publiko.

Inilabas ng JRU player ang liham sa social media account at kumalat sa cyberspace.

Hayun binatikos ng mga netizen ang dalawang personalidad sa pagiging marahas at mayabang.

Idagdag pa diyan ang masamang halimbawa nila sa mga kabataan.

Eka nga ni Ka Berong ay dapat sila ang magbigay ng tamang ehemplo bilang isang opisyal ng gobyerno at isang atleta na napapanood sa telebisyon.



Kabaligtaran ang naganap. Hindi rin naramdaman ng taong-bayan ang kanilang pagsisisi at pagbabago.

Hayan ang problema. Lumaki pa ang apoy. Sumiklab sa mga mukha nila. Naghilaan sila sa hukay.

***

Mukhang si Jorge Gallent na tatayong permanenteng head coach ng San Miguel sa PBA.

Humalili si Gallent kay Leo Austria nang magkasakit ang huli at sumailalim sa health at safety protocol.

Aba limang sunod na W ang naitala ng matagal na assistant mentor ng Beermen mula nang siya humawak sa SMB.

Pupusta raw di Tata Selo na hindi na pababalikin bilang bench tactician si Leo A. Tapos na raw ang era nito.

***

Short-lived ang saya ng mga fan ng LA Lakers. Inabot na naman ng malas ang koponan.

Mula sa 2-10 na simula ay nagwagi sila ng walo sa sumunod na sampung laro para sa 10-12 na kartada.

Kaso nagkasakit si Anthony Davis at may iniindang injury si LeBron James. Dalawang talo ang resulta.

Baon na sila sa 10-14 ngayon at 76ers pa kaltunggali ngayong Sabado at next ay ang mga Pistons at Celtics.

Kaya ang pinaplanong trade now na dapat!

***

Nag-level up na si Hidilyn Diaz. Aba’y tatlong ginto ang nasungkit sa World Weightlifting Championships sa Bogota, Columbia.

Super ganado ang ating unang Olympic gold medalist. Motivated to the max. Mabuhay ka!