Advertisers
DINOMINA ni retired boxing legend Manny Pacquiao ang Korean martial artist DK Yoo sa kanilang 6 – round exhibition fight Linggo sa The Korea International Exhibition Center sa Goyang,South Korea.
Sa kabila ng mas matangkad, ay nagawa ni Pacquiao na atakihin ang 5-foot-10 Korean sa pamamagitan ng left straight at right hooks.
Ang mga tama ay sapat na para masaktan ang South Korean na bumagsak sa ground ng ilang beses.
Halatado na ring pagod na si Yoo sa fourth round,bagamat sumusuntok paminsan – minsan upang mabigyan kasiyahan ang manonoud.
Sa huli, ay ibinigay kay Pacquiao ang unanimous decision.
Ang dating 8-division world champion ay nagtimbang ng 161.1 pounds, Lumalaban siya sa 147-pounder sa huling taon ng kanyang career.
Ito ang unang pagkakataon na umakyat ni Pacquiao sa ring simula mag retiro matapos matalo kay Yordenis Ugas noong Agosto 2021.
Sinabi ni Pacquiao, na tumakbo sa Philippines presidential elections nakaraang Mayo, na gagamitin nya ang kita mula sa exhibition match para ipagawa ng bahay para sa kapus-palad.