Advertisers

Advertisers

REKLAMO LABAN SA MALABANAN SIPHONING SERVICE / MILEX PLUMBING SERVICES

0 652

Advertisers

MAGANDANG pangyayari kung kikita ang mga Filipino sa panahong hindi pa tapos ang problema ng bansa coronavirus disease – 2019 (COVID – 19).

Ngunit, napakasama naman kung halos angkinin ng negosyante ang pera ng pangkaraniwang tao – lalo na kung pinaghirapan din ang naturang pera.

Si Gerry Roman ng Maynila ay mayroong ipinagawa sa Malaban Siphoning Service sa bahay niya ilang araw na ang nakalilipas.



Tinawagan ni Gerry ang Malabanan kung saan nagtanong ito kung magkano ang pagpakumpuni ng baradong tubo sa banyo.

Ang sagot sa kanya ng kausap niya ay P3,000.

Nang simulan nang gawin, binutas ang sahig ng banyo upang makita raw talaga ang sira.

Ngunit, hindi lang P3,000 ang presyo nito, kundi mas mataas pa.

Walang nagawa si Gerry, kundi pumayag dahil butas na ang sahig ng banyo n’ya.



Nang matapos ay P11,500 lahat.

Pokaragat na ‘yan!

Syempre, nagulat si Gerry dahil masyadong mataas ang P11,500.

Nakipagtawaran siya sa mga nag-ayos hanggang pumayag sa P7,000 ang atraso ni Gerry sa mga manggagawa ng Malaban Siphoning Service.

Binigyan siya ng resibo para P7,000.

Pero, ang nakasulat na kumpanya sa resibo ay Milex Plumbing Services – hindi Malabanan Siphoning Service.

Tama ba ito? Ligal ba ito?

Malinaw na naisahan si Gerry.

Kaya, panawagan niya sa publiko ay “mag-ingat” sa Malabanan Siphoning Service / Milex Plumbing Services upang hindi maranasan ang sinapit ni Gerry.

Wala namang masamang kumita nang malaki sa patrabaho ng mamamayan.

Ang masama rito ay kung sobrang taas ang singil sa trabaho sa mga taong wala namang regular na pinagkakakitaan tulad ni Gerry Roman.

Sa mga nagtatrabaho sa Malabanan Siphoning Srvices ta Milex Plumbing Services, hindi patas at lalong makatao na isang beses kumita nang malaki dahil malaki rin ang ‘bawas’ sa inyo nito sa mga susunod na panahon.