Advertisers

Advertisers

Magtiyuhin, nilamon ng ilog

0 126

Advertisers

Malungkot ang magiging Pasko at pagsalubong sa Bagong Taon ng isang pamilya sa Mangaldan, Pangasinan nang malunod sa ilog ang dalawa nilang kaanak.

Sa ulat, nangyari ang trahediya sa Angalacan River sa bahagi ng Barangay Macayug.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rodrigo Bautista, 48 anyos; at pamangkin nitong si Romnick Macam, 29.



Una umanong natagpuan ang bangkay ni Macam, habang inabot ng mahigit 12 oras ang paghahanap sa katawan ni Bautista.

Aminado ang mga kaanak ng dalawa na nakainom ang magtiyuhin nang maligo sa ilog.

Ayon sa pulisya, lumitaw sa imbestigasyon na unang nalunod si Bautista, at tinangka siyang sagipin ng pamangkin pero hindi na rin nakaligtas.

“Itong isang pinakamatanda hindi niya alam lumangoy, pero itong Romnick, alam niyang lumangoy.

Nakita na nagsama sila na lumubog kaya nagpatulong sa mga tao doon pero walang tumulong,” sabi ni Police Leiutenant Mc Arthur Ato, deputy officer, Mangaldan Police Station.



Umaabot umano sa hanggang siyam na talampakan ang lalim ng bahagi ng ilog kung saan nalunod ang dalawa.