Advertisers
BUKING sa Closed Circuit Television (CCTV) ang pagtangay ng isang Electrician ng Lyceum of the Philippines University sa cellphone ng isang estudyante nang balikan ang lugar kung saan nito itinago sa Ermita, Maynila nitong Lunes ng gabi.
Sumugod pa sa Santiago Resort sa Santiago St., Fortune 1 Gen. T. De Leon ang mga operatiba ng S.Ma.R.T upang arestuhin ang suspek na si Mark Jazer Joson y Malake, 24 ng Tambak 1 Street, Tanza 2, Navotas City dahul sa reklamo ni Kyla Mae Quierrez y Orantia, 20 ng 28 Road 7 GSIS Hills Subdivision Brgy. 164 Caloocan City.
Sa ulat ni PCMS Renen M Malonzo, 3:20 ng hapon nitong Lunes, naglalakad ang biktima kasama ang kaibigan na si April Travenio sa pedestrian lane ng A. Villegas St., corner Natividad Lopez S., Ermita, Manila nang pasimpleng dinukot ng mga suspek ang cellphone nito na na iPhone 8 na nakalagay sa bulsa ng kanyang backpack.
Isa sa saksi ang nakakita sa pagdukot at sinabihan nito ang biktima at itinuro ang tumatakbong suspek at sa tulong ng mga traffic enforcer naaresto nila ang suspek.
Subali’t sa isinagawang pagkapkap at pag-inspeksiyon sa suspek wala silang narekober na cellphone dahilan upang pakawalan ito, gayunman, kinunan nila ang identification card ng suspek saka nagsumbong ang mga biktima sa tanggapan ng S.Ma.R.T.
Pero sa isinagawang imbestigasyon ng S.Ma R.T. sa pamamagitan ng video footage, napansin na itinago ng suspek ang ninakaw na cellphone sa ilalim ng poste ng LRT at makalipas ang komprontasyon ng suspek at traffic enforcer binalikan ng suspek ang nasabing cellphone na itinago.
Dahl dito, nagsagawa ng follow up operation ang SMaRT sa pamumuno ni Maj. Emmark Dave Apostol at Lt Edgar Julian sa ilalim ng superbisyon ni PMaj. Edward Samonte, hepe ng SMaRT kung saan nalaman na ang suspek nasa Santiago Resort sa Valenzuela City at narekober ang tinangay na cellphone Lunes ng gabi. (Jocelyn Domenden)