Advertisers

Advertisers

‘LIGTAS PASKUHAN 2022’ SA METRO MANILA, TINIYAK NG NCRPO

0 194

Advertisers

TINIYAK ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang operational readiness at capability ng limang police districts nito sa pagsisikap na matiyak ang kapayapaan at kaayusan alinsabay sa pagdiriwang ng ‘Ligtas Paskuhan 2022” sa kalakhang Maynila.

Ayon kay NCRPO chief PMGen Jonnel C. Estomo, mahigit 13,000 tauhan ang itinalaga sa ibat-ibang lugar sa Metro Manila kabilang ang mga lugar ng pagsamba, shopping malls, pampublikong pamilihan, mga pangunahing lansangan, mga hub/terminal ng transportasyon at iba pang lugar ng convergence na nagsimula noong Disyembre 1 hanggang Disyembre 27,2022 hanggang sumaklaw sa ibat-ibang aspeto ng operasyon ng pulisya at tumugon sa iba pang kinakailangang hakbang para sa isang maayos,mapayapa at ligtas ngayong kapaskuhan.

Inihalimbawa dito ang siyam na araw na misa ng madaling araw o ‘Simbang Gabi’ na nagsisimula sa Disyembre 16 at magtatapos sa Disyembre 24, o Bisperas ng Pasko kung saan ay inatasan ng NCRPO Chief na ipatupad ang maximum police visibility sa paligid ng mga simbahan sa buong rehiyon.



Ito ay bilang tugon na rin sa inaasahang pagdagsa ng mga taong pupunta sa mga simabahan para dumalo sa ‘Simbang Gabi’ p ‘Misa de Gallo’.

“ This is an important Filipino tradition that we cannot afford to miss. We don’t have much fret on our security preparation and implementation due to our existing S.A.F.E NCRPO strategy where our personnel are wide awake even during unholy hour of the day. We are prepared to address any security issue that can possibly spoil this event.” Ayon kay Estomo

Kaugnay nito,nagtayo ng mga POlice Assistance Desk (PAD) malapit sa mga pasukan ng simbahan para sa agarang atensyon sa anumang emergency o hindi inaasahang pangyayari..

Pinaalalahanan din ni Estomo ang mga kalalakihan at kababaihan ng Team NCRPO na i-maximize ang kanilang presensya sa lansangan upang maiwasan ang krimen at terorismo.

Dagdag pa ng NCRPO top brass na sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ngayong taon ay huwag kalimutang pasalamatan ang Diyos sa lahat ng biyayang ipinagkaloob sa atin at nawa’y sa darating na taon ay patuloy na daluyan ng biyaya ng kapayapaan sa pamamagitan ng pagpapanatili sa mamamayan ng ligtas laban sa anumang uri ng kriminalidad. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">