Advertisers

Advertisers

Mayor Honey, pangungunahan ang ‘Simbang Gabi 2022’

0 151

Advertisers

PERSONAL na pangungunahan ni Mayor Honey Lacuna ang pagsisimula ng tradisyunal na “Simbang Gabi” patungo sa Bisperas ng Kapaskuhan sa lungsod ng Maynila nitong gabi ng Huwebes , December 15.

Nabatid na ang mga anticipated na misa na tinawag na “Simbang Gabi 2022” ay gagawin sa Kartilya ng Katipunan sa likod ng Bonifacio Shrine at katabi halos ng Manila City Hall.

Ang nasabing misa na gagawin sa malaking open space ay gaganapin gabi-gabi ganap na alas-7 mula December 15 hanggang December 23.



Samantala ay tinapos na nina Lacuna at Vice Mayor Yul Servo ang distribusyon ng Christmas gift boxes para sa senior citizens ng lungsod.

Ang dalawang pinakamataas na opisyal ng Maynila ay personal na namahagi ng nasabing mga regalo sa mga elderly citizens na umaabot sa 179,000 ang bilang. Naglalaman ang mga gift boxes ng tumbler coffee at cookies.

Ang distribusyon ng mga regalo ay ginawa sa loob ng dalawang araw. Bago ito ay ginawa naman ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang 12 days of gift-giving sa lahat ng pamilya sa kabisera ng bansa.

Kapwa dinaluhan nina Lacuna at Servo ang 12 araw ng pamimigay ng regalo sa pamilyang nasa 695,000 ang kabuuang bilang. Bawat isa ay tumanggap ng Christmas food boxes na naglalaman ng Noche Buena items.

Tiniyak ng kauna-unahang lady mayor ng Maynila na lahat ng pamilya ay tatanggap ng food boxes, kahit na ano pa ang estado nila sa buhay.



Nais ng alkalde na walang pamilya sa Maynila ang magugutom sa araw ng Kapaskuhan lalong lalo na ang mga nasa depressed areas. (ANDI GARCIA)