Advertisers

Advertisers

Sayang si Erwin Tulfo sa DSWD, at Benny Antiporda sa NIA

0 302

Advertisers

DALAWANG matinong opisyal ang nawala sa Marcos administration.

Ito’y ang mga dating journalist na sina Erwin Tulfo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Benny Antiporda sa National Irrigation Administration (NIA).

Si Erwin, kapatid nina Senador Raffy, Mon at Ben na pawang hard-hitting journalists, ay dalawang beses binasura ng Commission on Appointments on Appointments (CA) dahil sa isyu ng American citizenship at conviction sa Libel.



Pero, sabi ni Erwin, itinakwil na niya ang pagiging US citizen bago pa siya pumasok sa gobyerno.

At hindi naman masasabing may “moral turpitude” ang Libel dahil ito’y malayo sa Rape, Theft, Robbery, Murder, Homicide, Drugs, kundi ordinaryong kaso lamang para sa mga journalist. Mismo!

Si Antiporda, dati ring journalist at publisher ng isang national daily tabloid (Remate), ay pinalitan naman ng dating mayor na kababayan ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. nang suspindehin ito ng Ombudsman dahil sa reklamo ng mga tiwaling empleyado at opisyal sa NIA.

Ang reklamo laban kay Antiporda ay nag-ugat nang kasuhan niya sa Ombudsman ang dalawang opisyal ng administrasyon na sa tingin niya ay may mga kalokohang ginawa, at ang pagiging agresibo niya para malinis agad sa katiwalian ang NIA.

Ang ipinagtataka lang ni Antiporda ay kung bakit nauna pang maglabas ng desisyon ang Ombudsman sa reklamo laban sa kanya, gayong siya’y naunang magsampa ng reklamo laban sa 2 opisyal ng NIA.



Sa rekord ng Ombudsman, 12 days lang pagka-file ng reklamo ay naglabas na ng desisyon ang korte laban kay Antiporda.

Samantalang ang reklamo ni Antiporda laban sa naturang 2 opisyal, hanggang ngayon ay wala pang desisyon ang Ombudsman. Anyare, Ombudsman Samuel Martires?

Sina Erwin at Antiporda ay kapwa itinalaga ni PBBM pero bakit hindi sila nagawang proteksiyunan ng pangulo sa problemang para naman sa kaayusan ng kanyang gobyerno?

Bakit tila nawalan ng kapangyarihan si BBM sa kanyang pagka-Pangulo? Bakit parang iba na ang nagpapatakbo sa kanyang administrasyon? Nagtataka lang po tayo?

Well, para sa aking mga kapatid sa hanapbuhay, Erwin at Benny, makabubuti na huwag nyo nang igiit pang magserbisyo sa Marcos administration. Masisira lang kayo dyan. Ayaw nila ng matinong opisyal. Gusto nila tiwali! Kaya lumabas na kayo dyan, bumalik kayo sa media. Tayo ang hahagupit sa kanila!

***

Mahigit 200 kongresista ang sumusuporta sa panukalang pagbuo ng Maharlika Investment Fund (MIF).

Hindi na ako nagugulat sa galawang ito ng mga kongresista. Basta’t kuwarta ang pag-uusapan, may “unity” talaga sila. Pero kapag nagkaroon ng katiwalian, kanya-kanya silang pulasan at hugas-kamay.

Sabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan, sa proposed MIF, ang tagumpay nito ay nakadepende sa hahawak ng pondo. Gaano man kasama o kaganda ang pagkabuo sa batas dito, ang susi ay nasa humahawak parin. Mismo!

Sino kayang matinong nilalang ang hahawak sa daan-daang bilyong pondo ng MIF? Si Santo Papa?