Advertisers

Advertisers

P132m puslit na frozen foods nasabat ng Customs

0 145

Advertisers

MAHIGIT P130 milyon halaga ng smuggled “frozen goods” mula sa China ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa tatlong containers na dumating kamakailan sa Manila International Container Port (MICP).

Nabatid kay Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, isinailalim sa 100% physical examination ang tatlong containers nang makatanggap ng impormasyon ang Customs Intelligence and Investigation Service-MICP (CIIS-MICP) na naglalaman ang mga ito ng misdeclared items.

Ayon sa BOC, idineklara ng mga consignee na naglalaman ang mga nasabing kargamento ng frozen prawn balls ngunit sa isinagawang pagsusuri, natagpuan ng mga ahente ng Customs ang frozen meat, garlic short rib, at smoked duck breast frozen na tinatayang nasa halagang P131,902,500.



Unang hiniling ng CIIS-MICP ang pagpapalabas ng Pre-Lodgement Control Orders (PLCOs) sa mga shipment na ito noong Disyembre 7 para sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Nahaharap naman sa kaso ang Victory JM Enterprise OPC sa paglabag sa Sec. 1400 (misdeclaration in goods declaration) na may kaugnayan sa Sec. 1113 (property subject to seizure and forfeiture) ng CMTA.

Inirerekomenda din ng mga tagasuri ang pagpapalabas ng W