Advertisers
NASAWI anng isang traffic enforcer nang suyurin ng aluminum van habang nasa gitna ng daan at abala sa pagmamando ng trapiko sa Governor’s Drive, Barangay Maduya, Carmona, Cavite, Martes ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Sammy Martillino Osena, 44 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Milagrosa, Carmona.
Hawak na ng pulisya ang driver ng van na nakilalang si Nelson Godoy Amores, 67, ng #203 Legaspi St., Malaking Pulo, Tanauan City, Batangas.
Ayon kay kay Major Ira Morello, hepe ng pulisya sa bayang ito, 1:30 ng hapon nang maganap ang insidente kung saan naka-duty ang biktima at nagmamando ng trapiko sa naturang lugar.
Nabatid na habang bumabagtas ang van na may plakang CDJ-5745 na minamaneho ni Amores nang mapadaan ito sa pakurbang kalsada pero hindi nito nakontrol ang manibela kung kaya nagdire-diretso ito sa nakatayong traffic enforcer.
Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima nang masalpok ng van, dahilan ng kanyang agarang kamatayan.
Nahaharap ang nasabing driver sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.